CHAPTER TWENTY-FOUR

772 28 4
                                    

Third Person Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person Pov:

Mas lalong umusbong ang pag-alala at kaba na naramdaman ni damon ng makita niya ang bunso nilang kapatid na babae na nakapikit habang nakasandal ang likuran nito samay puno. Alam niyang labis itong napurohan dahil malakas ang naging impact ng pagkatilapon nito sa puno, tapos alam niya rin na masyado pang mahina ang pangangatawan nito at hindi pa gumagaling sa nangyaring pagkahulog nito sa hagdanan.

Naikuyom ni damon ang kaniyang kamay at umusbong ang galit niya habang iniisip ang kalagayan ng kaniyang kapatid.

"Kapatid mo?" Tanong ng lalaking kalaban niya.

"Wala kana dun" seryoso nitong ani.

"HAHAHAHAHA...sana tinuloyan kona pala" nang-aasar itong ani.

Nagalit naman si damon, kaya agad niya itong sinugod at walang pag-aalinlangan na pinutol ang isa nitong kamay gamit ang espada niyang may nakapalibot na kidlat. Hindi agad nakapag-react ang lalaki tsaka dahan-dahan nitong tinitignan ang kamay niyang naputol at umapoy dulot narin sa kidlat. Sumigaw ito at pilit na hawakan ang naputol niyang isang kamay.

Nga'yon si damon naman ang ngumiti ng nakakaasar dito.

"Sana pala tinuloyan kona ang isa mo pang kamay," ngumisi ito ng nakakaloko.

"Hayop ka!" Galit nitong sigaw at matalim siyang tinignan.

Bumalik naman sa pagkaseryoso ang mukha ni damon.

"You should say that to yourself. You hurt my brother and sister. 'Tsaka sa pagsugod mo dito sa bayan ng lightea! Kaya sa pagkakataong ito. I will take your life too for killing those innocent people," seryoso at malamig na sambit ni damon.

Nagbago ang kulay ng mga mata nito, senyales na pinalabas at gagamitin niya ang kaniyang kalahating lakas laban sa lalaking kaharap niya ngayon.

"Mga wala kayong kwenta!Ang mundong ibabaw na ito ay puno rin ng mga taong gamahan sa kapangyarihan ngunit umaakto parin kayong inosente! Pareho lang tayo ng kinalalagayan. We want power and pos—"

Lumaki ang kaniyang mga mata at hindi niya na natapos ang kanyang sasabihin na maramdaman niya ang matigas at mataas na bakal na tumagos sa kaniyang tiyan.

"Huwag mo kami itulad sa inyo na walang ibang hinahangad kundi ang maghimagsik ng kasamaan, kayo ang hindi nakontento dahil humangad pa kayo ng kapangyarihan na mas malakas para pumatay ng mga taong inosente." Malamig niya sambit bago hinugot ang espada na nakatarak sa tiyanan ng lalaki.

Agad itong napaluhod at sumuka ng dugo. Nanginginig ang mga paa nito ngunit nagawa parin nitong ngumisi sa kaniya.

"B-Babalik siya at g-gagawin niyang impyerno a-ang mundong i-ibabaw na ito..HAHAHAHAHA!" nahihirapang sambit nito.

Hindi na ito pinatagal pa ni damon at agad niya rin itong tinapos. Nakhandusay na ito ngayon sa lupa at dahan-dahan na naging abo ang katawa nito at may lumabas na itim na usok.

The Hidden Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon