CHAPTER SIXTY-FOUR

426 21 3
                                    

Third Person Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person Pov:

Lahat sila ay nasa iisang meeting room sa Lightea Palace, kasama na dito ang mga hari sa apat na kaharian at mga opisyales lalo na't ang matandang si Rolando.

"Okay lang ba talaga sa kanya?" pabulong na tanong ni Aliyah sa dalawang kapatid ni Satania.

Napabuntong-hininga naman si Damon na halatang hindi ito sigurado pero ngumiti pa rin ito.

"We're just protecting her," tanging sagot nito.

"But my sister looks upset with us. Baka hindi na kami papansinin nun pagbalik namin sa akademya. Ang hirap pa naman suyoin! Nagpaliwanag naman kami, ah." Mahimigan nila sa boses ni Victor ang pakaproblemado at inis.

"Ba't di kayo magpapatulong kay pareng Lusiano? HAHAHHAHA Mukhang nagkakaintindihan na naman silang dalawa." Agad na pagsapaw ni Edward sa usapan habang may nakakalukong ngisi sa mukha.

Napunta naman sa kanya ang atensyon nila at masama itong tinitignan, maliban kay Brix na tumatawa lang sa tabi.

"Loko ka talaga, Pre. Respeto naman sa mga kapatid! HAHAHAAHHAAHAHAH" ani ni Brix habang sinabayan na ng paghampas sa mga braso ni Edward.

"Sabi ko nga tatahimig nalang ako, di ba? Eheeheh" agad itong tumalikod sa kanilang gawi.

"Tsk, wala ka talagang kwenta." Sambit ni Kathleen at agad itong umayos ng upo.

Tahimik lamang si Lusiano sa gilid pero ang isip nito ay nasa dalaga.

Para sa kanya, naiintindihan niya naman ang dalaga kung ano ang gusto talaga nitong mangyari, ngunit ang importante dito ay ang kaligtasan niya lalo na't ang hawak niya ang pinakamalakas na kapangyarihan. Hindi naman siya ganun ka bobo para hindi malaman na pinagka-interesan siya ng kanyang tiyohin at may binabalak itong kunin ang kanyang kapangyarihan upang gamitin ito laban sa kanila, kaya ito ang kinakailangan nilang iwasan. That's her power and that power was belong to her. Siya lang may kakayahan na kontrolin ito at wala ng iba pa.

"Tomorrow night is the full moon; we need your help, elite warriors, to protect this palace and Lord Rolando. We do have soldiers to carry this out, but I trust in your abilities, which is why we need your assistance while we perform the ritual. It is not possible for us to draw the attention of the dark mages, as they will attack to prevent our plans from succeeding. Can I count on you, Elite Warriors?" Saad ng kasalukuyang hari sa Lightea, ama ni Lusiano, gamit ang malalim na boses.

"Makakaasa po kayo sa'min, Haring Alijandro," sagot nilang lima, maliban kay Victor at Lusiano na tanging tango lamang ang isinagot nang binalingan ito ng tingin ng kanyang ama.

"Haring Alijandro, may hihilingin lang sana ako sa'yo kung ayos lang po sa inyo," magalang at nakayukong saad ni Victor.

Tinignan naman ito ng kanyang ama na nasa gilid lamang at walang buhay ang mukha nito.

"Malaki na pala ang pangalawa mong anak na lalaki, Howard. Sobrang gwapong lalaki." Nakangiting sambit ng hari kay Aires.

"Hmmm," tipid nitong sagot.

Napalingon na lang ito dahil inaasahan na naman niya na ganito talaga ang pag-uugali nito. Noong una pa man, malamig na talaga ito makitungo sa iba, maliban na lang sa babaeng mahal niya dati. Pero dahil nga sa isang pangyayari, nagbago ang lahat.

"Ano 'yon, Victor?" pagtatanong ni Haring Alijandro.

Nagdadalawang-isip man siya, wala na siyang pagpipilian kundi ang isali sa usapan ang tungkol sa kanyang kapatid. Hindi para sa kapangyarihan, kundi para sa kaligtasan nito.

The Hidden Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon