CHAPTER SEVENTY-FIVE

480 28 5
                                    

Third Person Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Third Person Pov:

Nanginig naman ang kamay ni Damon. Hindi niya alam na naisahan siya sa pagkakataong ito, at ginamit pa nito ang pagkatao ng kanyang kapatid na ngayon ay wala nang malay.

"Victor!" Sigaw nito.

"Uno," sambit ng kung sino.

"Dalhin mo siya sa kanya," saad nito habang nakatingin sa hagdanan.

Nilingon ito ni Damon at dito niya nakita ang lalaking nagpanggap bilang si Victor. Dala-dala nito ang bunsong kapatid niya na babae, na walang malay.

"Huwag mong hawakan ang kapatid ko!" Galit niyang sigaw.

Akma na sana siyang mag-teleport papunta sa gawi nito, pero hindi niya ito natuloy dahil agad siyang naunahan ni Uno. Mabuti na lamang at nailagan niya ang papatamang itim na usok sa gawi niya.

"Go now, I'll take care of him." Uno said seriously to the man on the stairs.

The man nodded immediately.

"No!" Damon shouted.

The man was about to leave when someone suddenly grabbed his arms.

"Not so fast, Boy." Kathleen said with a smirk.

"Alam mo bang mali ang humawak ng ibang tao sa hindi sa iyo, lalo na kung wala kang pahintulot?" nakangising sabi ni Brix bago niya pilit na inagaw si Satania mula sa kamay ng lalaki.

"Take her to a safe place, Kuya." Kathleen told her brother.

Tumango siya at agad na naglaho. Parang nakahinga nang maluwag si Damon dahil nasa ligtas na kamay ang kanyang kapatid. Hinanap niya si Kathleen, pero wala na siya at ang taong nagpapanggap na si Victor.

Ibinaling niya ang atensyon niya sa kanyang kapatid na nakahandusay at walang malay sa lupa, ang damit niya ay may bahid ng dugo.

"Para 'yan sa kapatid ko," seryosong wika ni Damon.

Ngumisi lang si Uno, pero agad itong napalitan ng galit. Mabilis niyang iginalaw ang kamay niya, at may itim na usok na lumabas mula rito. Itinapat niya ito kay Damon.

Naghanda naman si Damon sa atake ni Uno.

"Mamamatay ka!" sigaw ni Uno.

Matapos nilang patayin ang mga halimaw na sumalakay sa kanilang palasyo, agad na nagteleport sina Edward at Aliyah papunta sa akademya, ayon sa napagkasunduan nila. Nakita nila ang lahat na nakikipaglaban para sa kanilang buhay. May mga kapwa nila estudyante na nakahandusay sa lupa, at may iba pang gumagapang habang humihingi ng tulong. May mga halimaw at mga tauhan ni Draco na wala nang buhay. Lahat ng bahagi ng akademya ay may mga bahid ng dugo.

"Aliyah, Edward!"

Tinapunan nila ng tingin si Dylan na madungis na rin at papalapit ito sa kanila.

"Nasaan sina Kathleen?" Tanong nito.

The Hidden Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon