CHAPTER FIFTY-THREE

585 27 7
                                    

Satania Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Satania Pov:

Araw ng Lunes ngayon at syempre may pasok parin kami! Akala ko suspended dahil sa nangyari pero heto parin kami, willing to take a risk ang atake. Kaimbyerna.

Usap-usapan parin dito iyong mga kaganapan at may iba naman na kaibigan na isa sa mga nasawian ay bigla nalang naging emosyonal.

Nang makapasok ako sa classroom ay ramdam ko pinagtitinginan ako ng aking mga kaklase pero dahil si dedma ako kaya manigas sila gyan kakatingin. Wala namang namatay sa titig, amp!

Humahalukipkip ako nang meron biglang tumawag sakin na lalaking naka-eyeglasses.

"Pinapatawag ka sa dean's office," agad nitong sabi.

Kumunot naman ang noo ko habang iyong mga kaklase ko ay pinagtitinginan ako. Ang aga pa para makipag-chikahan siya sakin!

"Susunod ako," walang gana kong sambit sa kanya.

Agad naman itong tumango at umalis. Kaya tumayo na ako 'tsaka naglakad sa may pintoan pero bago paman ako makalabas ay inirapan ko silang lahat.

Nakatayo ako sa labas ng pintoan at mula dito ay rinig kong may mga tao sa loob na nag-uusap.

"She can't join us, Dean! It's dangerous for her!" Rinig kong sambit ni Kuya Damon sa loob.

"I know, pero hindi niya matutunan kung paano gamitin ang kapangyarihan niya kapag palagi nalang natin siyang tinatago," kalmadong wika ng dean, pero mahihimigan mo sa boses nito ang pagkaseryoso.

Bakit ba ako agad ang kanilang pinag-uusapan, ha? Tsaka anong join² ba 'yan? Join sa kulto? No, thanks... sila nalang.

"Maraming mga halimaw sa kabundukan ng Galilea. Kaya hindi ako papayag, Dean. Importante sakin ang kaligtasan ng aking kapatid at sana maintindihan n'yo 'yon."

Galilea? Ngayon ko lang ito narinig.

"Oo nga po, Dean. Kami nalang po mga elite warrior total kami naman po talaga ang kadalasan gagawa kapag may mga mission." Rinig ko ring sambit ni Aliyah at Edward.

Mukhang gets ko na! Siguro, gusto ni Dean na isama ako kila Kuya sa bundok ng Galilea sa hindi ko alam ang dahilan, ngunit tutol si Kuya dito dahil maraming halimaw sila na madadaanan. Pero para kay Dean ay maganda rin itong paraan para matutunan ko pa ang paggamit ng aking kapangyarihan. Sadyang hindi lang pumayag si Kuya Damon, because he doesn't want me to be in danger.

Pero ang ganda kaya kapag may mission² para naman exciting, diba? Isa pa gusto ko rin makagala sa iba pang lugar dito.

So, what are we waiting for? Sasama tayo!

"I'll come," agad kong sambit nang makapasok ako sa loob.

"Satania!" Sambit ni Kuya sakin.

"It's okay, Kuya. Trust me. Tapos andiyan ka rin naman para protektahan ako, diba?" Nakangiting tanong ko dito.

He sighed and nodded.

"Then ayos na," I chuckled.

"Marami naman kami poprotekta sayo lalo't na si-"

Masamang tinignan ni Lusiano si Edward kaya napatawa ako. Ayan kasi, chismoso!

I forgot to thank him. Mamaya nalang siguro. Baka sambihin niya pang hindi ako marunong tumanaw ng utang na loob.

"So, it's settled now!" Nakangiting ani ng dean. "Pack your things first then bumalik kayo dito bago dumilim dahil dadaan kayo sa portal para mas madali ang pagdating ninyo sa bayan ng Galilea."

(To be continue.....)






The Hidden Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon