CHAPTER THIRTY-FIVE

777 28 5
                                    

Satania Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Satania Pov:

Pabalik na kami sa akademya dahil pagkagising ko kanina sila Kuya Damon at Victor na ang kumuha ng ibang gamit ko sa palasyo. Mabuti naman maayos parin ang relasyon nila mag-ama matapos ang pangyayaring patayan. Bilib din ako sa pasensya na meron si Kuya Damon eh, hindi kagaya sakin mabilis maubos ang pasensya ko. Sarap lang manakal.

Hindi na namin nakasabay si suplado dahil agad daw itong pinatawag sa kanilang palasyo at personalan itong isinundo ng masosyalang karwahe nila sa palasyo. Nagbatian naman sila ng ama kong magaling pero nung tulog ako... mabuti naman dahil ayaw ko makita ang walanghiya niyang pagmumukha. Tsk.

Kaharap ko nga ngayon si Vina na nakatingin sa labas. Kahit hindi man nito sabihin ay ramdam ko ang kagalakan na kaniyang nararamdaman matapos ang ilang taon niyang pagkakakulong sa manor. Bwesit rin kasi ang bruhang iyon!

Alam rin kaya ni Satania ang tungkol kay Vina?

Hanggang sa pagdating namin sa akademya ay deritso akong hinatid nila Kuya sa magiging dorm ko. Nasa pinaka-anim ako na palapag nakalagay ang huling floor na meron sila at itong floor na 'to ay ang pinakamalaki at may limang kwarto. Same floor lang kami nila Aliyah at Kathleen kaso nasa pinakadulo ang akin, bago nila marating yung sakin may tatlong pintoan mona silang madaanan. This 6th floor is huge na halos mansyon na yung lawak pati kwarto ko sobrang lawak. Ano ito special floor? For special child? Aba!

Brown wooden style iyong sahig tapos kulay krema naman iyong dingding na merong pinaghalong ginto. May dalawang kwarto na sakto lamang para sa amin ni Vina kaso mas malaki lang iyong sa akin. Malawak ang sala na may kulay red na sofa at mini table sa gitna na nakapatong sa puting carpet. Meron pa akong nakita na dalawang pintoan at sa tingin ko iyon yung sa kitchen at dining area tapos cr naman ang isa na para sa mga bisita dahil ang dalawang kwarto ay may sariling comfort room.

Masyadong malaki ang kwartong ito para sa dalawang tao lamang. Naaalala ko tuloy iyong sariling condo ko na ganito rin kalaki kaso hindi naman ako dun namamalagi kasi mas gusto ko sa mansion.

"L-Lady Satania," mahinang sambit ni Vina sa akin. "G-gusto ko lang po magpasalamat dahil sa pagligtas n-niyo sakin kanina."

I sighed. Panglimang ulit na niya sa akin ang sinabi 'yan simula ng magising ako. Tungkolin ko rin namang pangalagaan iyong nag-aalaga sa akin. Dahil ganyan rin naman ako sa dati kong buhay kahit masama ugali ko. She's so kind para magdurusa na wala namang kasalanan diba? I'm saving her for Satania. Baka hindi ako patulogin ng konsensya ko, mahirap na.

"I already told you about that, Vina." I said to her.

Nagulat naman ako na lumawak ang ngiti nito tsaka ako niyakap.

"Pangako po, Lady Satania. Hayaan niyo po na habang buhay kita pagsisilbihan at aalagaan dahil utang ko 'yong buhay ko sa iyo." masaya niyang sambit.

Nagulat naman ako dahil hindi ako sanay na may yumakap sa akin kaya mahina ko siyang tinulak at sinimangotan.

"Huwag mo 'ko sisihin kapag hindi ka nakahanap ng the one mo!"

Yes, she's my personal servant but ayaw kong panghabang buhay niya akong pagsilbihan dahil kagaya ko may sarili rin siyang buhay na kailangan pagtuonan ng pansin. She deserves to be happy and build her own family. Kaya kung sasabihin niya sa akin na gusto niyang mag-resign o tumigil sa pagiging personal servants ko, I won't stop her. Life is too short at hindi mo rin alam hanggat kailan ka mabubuhay kaya habang maaga pa 'edi enjoy your life.

The Hidden Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon