CHAPTER SEVENTY

404 19 4
                                    

Someone Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Someone Pov:

Galit kong tinignan ang aking kanang kamay at sinakal ito. Simpleng bagay, hindi pa magawa! Mga walang silbi!

Puro mahihina kagaya ng mga kasamahan niyang hindi magawa ang aking mga inutos. Kaya mabuti lang sa kanila ang mamatay!

"P-Patawad po, Haring Draco. Sadyang d-dumating lang ang kanyang mga kapatid kaya hindi ko siya nakuha." Nahihirapan nitong paliwanag sa akin.

"Wala akong pake sa mga kapatid niyang mga mahihina! Ang gusto ko ay makuha mo ang aking pamangkin!" Sigaw ko dito at mas lalong hinigpitan ang pagkakasakal sa kanya.

Sinubukan niyang tanggalin ang aking isang kamay na nakasakal sa leeg niya, pero hindi niya mapapantayan ang aking lakas, kaya hindi niya ito napagtagumpayang tanggalin.

"Mga walang silbi!" Binalibag ko siya sa sulok at galit kong tinignan silang lahat.

"H-Haring Draco, m-may dapat kayong m-malaman!" sigaw ng isa sa mga tauhan kong nagmamadaling pumasok dito sa throne room.

Tinapunan ko siya ng tingin na agad niyang ikinayuko.

"I-Isasagawa na nila ang ritwal ngayong gabi kasama si Lord Rolando upang malaman ang panibagong propesiya!" malakas nitong wika sa akin.

Agad naman akong napangisi dahil dito. Ngayon malalaman nila ang digmaang magaganap sa pagitan ng kanilang panig at sa akin kaya alam kong agad rin nilang paghandaan ito kagaya ng dati, pero hindi lingid sa kanilang kaalaman na susupresahin ko silang lahat! HA.HA.HA.HA.

"Prepare for the surprise bloody war!" Malakas kong anunsyo sa kanila.

Nagsihiyawan naman silang lahat na umalingawngaw dito sa loob ng hall na parang bang ramdam din nilang lahat ang kasiyahan at kagalakan na aking nararamdaman ngayon.

'Hindi man kita nakuha, aking pamangkin, sa pagkakataong ito dahil sa mga pakialamero mong mga kapatid, pero—sisiguradohin ko pa rin na maisama kita pabalik sa mundo kung saan ka nababagay pagkatapos ng digmaan na 'to at ako mismo ang kukuha sa 'yo.'

Third Person Pov:

Nakatipon lahat ng opisyal at hari sa isang napakalaking hall na may open ceiling sa itaas, kung saan dito lilitaw at matatanaw ang kabilugan ng buwan. Kasama si Rolando na nasa gitna, siya ang magsasagawa ng isang ritwal habang nakapalibot naman sa labas ng palasyo ang napakaraming mga kawal sa Lighthea upang paghandaan kung sakali mang may mga halimaw na sasalakay.

"May kawal na rin ba sa bukana ng gate?" Tanong ni Damon kay Edward at Brix, na sila ang naatasang tignan ang bawat sulok ng palasyo upang siguradohin kung may mga kawal na naka-pwesto dito.

"Meron na," sagot ni Brix.

"Where's Aliyah and Kathleen?" Edward asked him.

"Naglagay sila ng magic detector sa loob ng palasyo na kung saan ay pwedeng daanan ng mga dark mage kung mangtangka man itong pasukin ang loob," pahayag nito.

"The barrier," singit ni Luciano na kakadating lamang.

"Ngayon na?" Tanong ni Damon dito.

Agad naman itong tumango bago silang nagtinginang apat at linisan ang kanilang kinatatayuan. Nandito na rin sina Kathleen at Aliyah na hinintay silang dumating.

"Ngayon ko lang itong gagawin!" malakas na sambit ni Aliyah na may halong excitement.

"Ready?" Pagtatanong ni Damon sa kanila.

Sabay naman silang nagsitanguan bago nila itinaas ang kanilang dalawang kamay sa ere. Mula dito ay may namuong liwanag na galing sa kanilang kamay na iba't ibang kulay.

The colors were white, green, sky blue, and blue-green. Sabay-sabay nilang pinakawalan ito sa itaas bago ito kumalat sa bawat bahagi ng palasyo. Namamangha naman ang mga kawal habang tinitigan ito at paano ito gumawa ng napakalaking barrier.

Umabot rin ito sa iba't ibang bayan ng palasyo at kahit sila ay namamangha rin itong tinitigan, pero may iba rin namang nakaramdaman ng pangamba at pagkabahala.

The Hidden Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon