CHAPTER FORTY-TWO

654 23 1
                                    

Satania Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Satania Pov:

Kakapasok palang ng combat room, pagmumukha na agad ni Loreina ang unang nakita ko. Kita ko itong nakikipag-harutan sa katabi niyang lalaki kaya di ko maiwasang mapangisi, manang-mana ka talaga sa ina mo, Loreina. Kati na kati, ah.

Since dalawang grupo ang nakikita namin ngayon, di ko mawari kung saan ang level 2 at 3 dito. Loreina was wearing a dark blue shirt, katulad ko rin na may logo sa kanang dibdib nito, at sa kabilang grupo naman ay kulay maroon. Namataan ko dito si Reina na nakikipag-usap sa mga kaibigan niya. Aww, the two witches is here!

Alam kong hindi matatapos ang oras na 'to ng walang tumatahol.

"Okay, everyone, listen up! All the level 1 mauna dito sa linya tapos kasunod nito ang 2, tapos panghuli ang 3!" Sigaw ng guro naming babae na magkamukha ni Ms. Minchin.

Halatang strikta dahil postura palang, alam na.

"S-Satania?" Mahinang sambit ng nakatabi ko sa linya.

Nilingon ko ito at bumungad sa akin ang nakangiting tipid na si Reina. Close kami? Feeling close lang.

Hindi ko ito pinansin, bagkos tinitigan ko lang ito sandali bago binalik ang tingin sa harap.

I hate snakes, sister. Kaya allergy ako sa mga taong tulad mo.

"You!" Turo nito sakin.

"Ako?" Pagsisiguro ko dito.

"Edi sino pa ba ang tinuro ko?" Maldita nitong ani sakin.

Naku! Kaugali talaga ni manang. Hindi nalang ako sumagot at agad na pumunta sa harapan niya. Rinig ko naman ang mahinang tawa nang iba pero mas nangingibabaw talaga ang bunganga ni Loreina na parang nakalunok ng mikropono. Siya na masaya!

"Silent! Okay, let's have Lady Reina." She calls out.

Taas noo namang pumunta si Loreina sa harapan habang todo ingay naman ang mga ka-grupo niya. Feeling main character! Mukha namang paa!

"Dahil bago ka rito, gusto kong makita ang basic knowledge mo sa combat fighting. Kaya, pina-duel kita kay Lady Loreina dahil siya lang ang nakikita kong may alam pagdating sa pakikipaglaban." Sabi niya, pero naririnig mo sa boses niya na ipinagyayabang niya si Loreina sa akin.

Ang bruhang 'to, mukhang nag-eenjoy sa sinasabi ni Ms. Minchin, nginitian ako ng pang-aasar. Pero tingin niya yata, maapektuhan ako sa mga kalokohan niya. Tanga lang ang hindi lalaban, sis. Sisiguraduhin kong mapupunta siya sa clinic pagkatapos nito!

Magkaharap kami ngayon, at ang iba ay nakaupo sa gilid, nanonood sa amin. Nakatayo lang si Ms. Minchin doon, hindi naman masyadong malayo sa amin, nanonood sa amin na nakataas ang kilay. Mukhang close sila ni Loreina dahil parehong itim ang puso nila.

"Fight!" sigaw niya.

Si Loreina ang unang sumugod sa akin, isang malaking pagkakamali, dahil madali kong naiwasan ang atake niya at sinipa siya sa tiyan. Hindi ko maiwasan ang pagngisi nang makita kong namumutla ang mukha niya dahil sa sipa.

"Sinadya mo bang saktan ako?!" galit niyang sigaw.

Tumawa ako bago ako nagkrus ng mga braso.

"Nananadya? Tanga kaba talaga o sadyang nagtatangatangahan lang? As you can see, LOREINA. We're doing combat fighting, and expected na yung magkakasakitan tayo dito at may depensahan mangyayari...akala ko ba mas maalam ka pagdating sa combat kuno? Remember, I'm just new here. Sayang naman iyong ipinagmalaki nila sayo dahil gyan sa walang kwenta mong tanong." Mahabang wika ko.

Kita ko sa mukha niya ang labis na inis kaya walang segundo pa ay agad itong sumugod sa'kin.Paamba na sana siya ng suntok sa mukha ko pero agad akong umilag,halata sa bawat atake niya ang galit at inis.Todo iwas lang iyong ginagawa ko dahil ang goal ko dito ay maubos ang lakas niya para ako na naman ang may pagkakataon na umatake.

"Iilag ka nalang ba, ha?! Mahina ka talaga at walang silbi! Kaya hindi ka nararapat dito!" Inis niyang sigaw habang patuloy parin sa pag-atake sakin.

"Whatever" walang gana kong saad dito habang todo ilag parin.

"Ano ba 'yan, parang wala naman talagang alam ang bago sa combat."

"Chamba lang yung unang atake niya kay Lady Satania."

"Kawawa naman siya kung matataman siya ni Lady Satania."

"Girl, lumaban ka!"

"Lady Satania!"

Tsk. Mga walang magawa kundi ang mag-chismisan. Bigla akong napadaing ng mapagtagumpayan niya akong suntokin sa sikmura kaya agad akong napaluhod sa sobrang lakas nito. Gigil na gigil ang bruha!

"Anong pakiramdam ng karmahin, SATANIA?" Nakangisi niyang sambit bago ako sinipa sa mukha kaya napahiga ako sa sahig at ramdam ko ang pagtulo ng dugo sa ilong ko.

Bwesit! Nawala iyong focus ko.

"Boo!!!"

"Go, Lady Loreina!"

"Newbieee lumaban kaaa!!"

Loreina was looking down at me now. Para bang sinasabi niya na mas mataas pa iyong posisyon niya kompara sakin. Talaga ba?

I grabbed her one foot, agad akong bumangon, 'tsaka walang pasabi ko itong binalibag. Para 'yan sa ilong ko! Bwesit.

"At ano naman ang pakiramdam kapag bumalik sayo ang karma?" Nakangisi kong bulong dito ng makalapit ako sa kaniyang kinaroroonan na nakadapa sa sahig.

Masama itong tumingin sakin ngunit dinilaan ko lang ito. Mamatay ka sa inis!

"Enough!" Sigaw ni Ms. Minchin. "Kayong tatlo, dalhin niyo si Lady Loreina sa klinika." Pagtawag niya sa mga kaklase nito.

"Don't touch me! Hindi pa ako tapos sa babaeng 'yan!" Pagsisigaw nito ngunit wala siyang nagawa dahil agad na siyang binitbit ng tatlo niyang lalaki na kaklase palabas.

Palagi ka nalang talaga pina-walk-out, Loreina. Wala ka talaga.

"For you, Lady Satania. You manage to defeat Lady Loreina… for now. But anyways, sa nakikita ko ay may alam ka talaga pagdating sa combat and that was good to know though." She said while smiling at me.

Ahhhh! I smell like burning plastic here.

"Okay, everyone, class dismissed!" Malakas niyang sambit bago ito naglakad patungo sa pintoan.

"S-Satania, let me bring you to the clinic." Rinig kong boses ni Reina sa aking likuran.

Walang gana ko itong tinapunan ng tingin.

"Huwag na," peke ko itong nginitian bago naglakad palabas.

"Satania wait!" Paghabol nito sakin.

"Ano na naman ba?!" Inis kong sambit.

"P-Pwede ba tayo mag-usap sandali?" She said.

"Nag-usap na tayo."

She sighed and hold my both hands na ikinagulat ko. Ano na naman bang pakulo niya ha?

"G-Gusto ko lang mag-sorry sa'yo. I know hindi mo agad ako mapatawad pero gusto ko bumalik tayo sa dati na maayos pa yung samahan natin bilang magkapatid. Ayaw ko nang ganito, Satania. Patawarin mo sana ako." Malungkot niyang wika sakin.

Patawad? Ha? HAHAHAHA. Ngayon nalang ba na wala na iyong totoo niyang kapatid? Kung totoo talaga ang intensyon at pinahalagahan niya ang kanilang pagkakapatid, she's willing to protect her and always be there for her sa panahon na kailangan ni Satania ng karamay.

Pero ano yun? Patalikod niya itong tinatraydor, eh! Kasama iyong ate niyang bruha! Siguro pati ina niya. Tapos ngayon… madali lang para sa kanya ang salitang PATAWAD AT IBALIK ANG DATING SAMAHAN? Kay Satania, Oo, pero sakin hindi. We're different kaya magdusa siya gyan. Sh*t of them!

"Dream on," I smile and get my hands from her.

(To be continue.....)






The Hidden Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon