CHAPTER FIFTY-EIGHT

517 22 1
                                    

Satania Pov:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Satania Pov:

Tinitigan ko maigi ang lalaking matanda na naging rason kung bakit malapit nakuha ng mga soul spirit ang aking kaluluwa at dugo't pawis naming pakikipaglaban sa mga halimaw na aming nakasalamuha.

What's special about him? He looks like a crazy old man. Kasi naman, nung makarating kami dito sa itaas ng bundok ay bigla itong sumasayaw habang paikot sa'min para daw malaman niya na walang masamang itim na mahika ang sumasanib sa amin. Kung si Aliyah ay nasisiyahan sa pinaggagawa niya, pwes, ako hindi! Mas lalo niya lang pinalala ang sitwasyon, eh. Baka dahil sa pinaggagawa niya lang ang maging rason kung bakit sasaniban talaga kami ng totoo.

"Nakakatawang dalaga," agad nitong saad sa'kin.

Yeah, he can read my mind dahil hinayaan ko talagang bukas ang aking isipan para naman mamulat siya sa katotohanan!

"Satania, stop," sita ni Kuya Damon sa'kin.

Umismid naman ako at lumipat sa kabilang upoan. Kailangan ko talagang makatulog dahil wala akong ayos natulog at kain kaya kumikirot na itong ulo ko.

"Inaasahan ko na ang pagdating niyo dito sa bundok ng Galilea. Gabi-gabi nakikita ko sa aking panaginip na merong pitong mga estudyante na galing sa akademya na pupunta rito, kaya hindi kailan man ako nagkakamali sa aking mga nakikita, subalit ay nagkakatotoo naman ito," rinig kong pahayag nito sa kalmadong boses. "Alam kong labis ang inyong pagod dulot narin sa dalawang araw niyong paglalakbay at pakipaglaban sa mga halimaw. Kaya hayaan niyo akong pagsilbihan kayo sa inyong pananatili dito sa aking tahanan." Ngumiti ito sa'min.

Mukha nakokonsensya naman ako dahil sa aking pinagsasabi. Feel ko kahit anong oras ay pwede na akong karmahin dahil sa pinagsasabi ko kay tanda. Hhuhuhuhuhu, tao lang po ako na nagkakamali rin.

"Huwag na po kayong mag-abala, Lord Rolando. Nais lamang naming gawin ang misyon na inatas para sa'min kaya po kami pumupunta dito sa bundok ng Galilea. Kaya pasensya na ho kung kayo ay aming nagambala," pagbibigay paumanhin ni Kuya dito.

Tinignan ko si Lusiano na nakapikit ang mga mata habang nakasandal ang likod nito sa upoan. Hindi ba siya nangangalay sa ginagawa niya?

"Kumain mo na tayo 'bago natin pag-usapan ang tungkol sa pagpunta niyo dito dahil alam kong gutom na rin kayo at sakto rin ay nagluto ako ng sinabawang kambing," nakangiti nitong ani bago tumayo.

"Maraming salamat po!" masayang sabi ni Aliyah.

Tumango lang ito at pumunta sa may kusina niya.

"Okay ka na ba, Kathleen?" tanong ni Brix sa kapatid.

Umirap lang ito kaya napakamot naman sa ulo si Brix.

"Mukhang okay ka na nga," tanging saad nito.

"Guys, tulungan ko muna si Lord Rolando sa paghanda ng ating makakain," paalam sa'min ni Aliyah 'bago ito tumakbo patungo sa kusina.

Lumabas naman sina Edward at Brix para magpahangin kaya kaming apat nalang ang naiiwan dito sa sala.

Di ko maiwasang mapahikab dahil sa antok na aking nadarama. Pansin ko naman ang pagkalabit ni Kathleen sa akin kaya nagtatanong ko itong nilingon.

She tapped her lap kaya nagugulohan naman ako.

"Take a rest. Gigisingin nalang kita," ani niya.

Nagdadalawang isip naman ako ngunit kalaunan ay pinili ko paring humiga dito dahil sa labis narin na antok at pagod.

Mas matanda sa akin sila Kathleen at Aliyah. Itong mga kaibigan ni Kuya. They're like my older brothers and sisters but I don't know. Nasanay nalang siguro ako na hindi mag ate at kuya wala naman silang reklamo dun kaya wala narin lang sa'kin. Mag ate at kuya man ako sa kanila pero huwag lang sa kanya.

Mabilis lang ako nakaidlip ngunit nagulat nalang ako dahil nasa isang madilim na pasilyo ako. Where are they? Natutulog lang ako tapos napunta na agad ako sa ibang lugar?

I pinched my cheeks ngunit napadaing lamang ako dahil sa sakit na naramdaman ko. Ibig sabihin hindi ako nanaginip?! Pero nasan naman ako? Hindi naman siguro ako pinagtripan nila Kuya.

Inilibot ko ang aking paningin dito sa pasilyo at tanging mga hindi pamilyar na painting lamang ang aking nakikita. Tanging ilaw lang sa torch ang nagsisilbing liwanag dito sa hallway kaya nagsimula akong maglakad sa pagbabasakali na may mahanap akong daan dito palabas kung nasan man ako ngayon.

Napahinto ako sa paglalakad ng makaramdam ako na parang may sumusunod sa akin sa may likuran. Nanayo naman ang mga balahibo ko sa batok ng makakita ako ng babae na bali ang mga paa nito at nakatagilid ang ulo. Nakasuot ito ng puting bestida na puno na nang dugo kaya nang magsimula itong maglakad ay rinig ko ang pagkabali ng kanyang mga buto sa paa.

Kinikilabutan naman ako dahil dito kaya tumalikod na ako at mabilis na naglakad. Kung gaano ako kabilis maglakad, ganun din naman ang mga apak ng kanyang paa at tunog ng nabaling buto ang aking narinig.

This sh*t scared out of me!

"Come here!" Sigaw nito sakin kaya sa pagkakataong ito ay tumakbo na ako.

Sa dulo nitong pasilyo ay meron akong nakita na malaking double door na nakaawang kaya agad akong tumakbo papasok dito at agad na sinarado ang pinto. Muntikan na!

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Ngayon ko lang napansin na isang throne room pala ang aking napasukan. Puro pula na ilaw ang makikita mo dito sa loob at kadalasan naman na kulay ay itim.

Huwag naman sana kung napadpad nga ako sa mundo ni Satanas. Like, hello! Natutulog lang naman ako, ah, tapos gigising nalang ako na nasa ganitong lugar na? Ano 'to? Pang habang buhay na tulog na?

Naglakad ako papasok at di ko maiwasang mangilabot nang may nakita akong itim na naka-cloak sa magkabilang gilid ngunit hindi ko matanaw ang kanilang mga mukha dahil sa nakayuko sila.

Tinignan ko ang trono kung saan mayroong nakaupo dito na malaking tao? O halimaw? Dahil madilim, eh, kaya napahinto ako ng bigla itong nagpalabas ng malademonyong tawa na nagpanindig ng aking balahibo.

Malakas rin na aura ang aking naramdaman na nagmula dito. Bigla nalang nanghihina ang aking mga paa kaya napasalampak ako sa malamig na sahig, pero pinilit ko paring itaas ang tingin ko dahil sa kuryosidad na makilala at makita ang pagmumukha nito.

"Matagal akong naghintay upang masilayan ang iyong magandang mukha, aking PAMANGKIN."

Bigla akong natuod at wala akong mahanap na salita para lumabas sa aking bibig. T-This place is-

"Welcome to the underworld, Satania!"

Hindi ko man makita ang mukha niya ay alam kong nakangisi siya ngayon.

I-Impossible! I can't be here! I know that this is just a dream!

"Lusiano, s-save me," salita na kusang lumabas sa aking bibig.

Naghalo-halo ang aking emosyon kaya di ko maiwasang mapaluha. Takot nga ba ako? O sadyang hindi pa talaga ako handa para makaharap siya...... ang nag-iisang nakatandang kapatid ni ina.

"Uncle Draco," mahinang naisambit ko.

"It's me, Satania. Your Uncle Draco." Malalim na boses nitong sagot sa akin bago tumawa ng napakalakas na umilingawngaw sa loob nitong throne room.

"I will get you from them, Satania."

Huling sabi nito na aking narinig bago ko naramdaman na parang may humigop sa 'kin.

(To be continue.....)

The Hidden Daughter (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon