Chapter 21

9K 383 79
                                    

Anonymous



The guilt of me not telling the truth is so mabigat sa pakiramdam. I'm not sanay kasi na mag-lie lalo na sa mga taong importante sa akin. Because I really do believe in the saying na ang taong palaging tapat ay tatangkad.

Palagi sa amin 'yong tinuturo ni Tito Piero nung mga bata pa kami. Kaya naman dahil takot kami noon na hindi kami maging matangkad ay palagi kaming nagsasabi ng truth.

Ngumisi si Jacobus when he saw na nakatitig ako sa kanya kahit sa screen lang 'yon. I'm stull on the urge kasi na sabihin sa kanya ang tungkol kay Quinn pero I'm weighing pa the situation.

"Bakit?" tanong niya sa akin. He looks shy pa nga because of my pagtitig sa kanya.

Jacobus niyo kinikilig.

"May sasabihin ako sa'yo pag nagkita tayo," sabi ko sa kanya and decided na ipaalam sa kanya ang tungkol kay Quinn.

"What's the name of your new classmate?" tanong ko out of nowhere.

I have naman tiwala kay Jacobus. It's just that my overthinking self is kicking in.

Sandali siyang napatigil na para bang iniisip pa niyang mabuti ang pangalan ng bago nilang classmates.

"Diana Del Rosario," he said.

Napatango ako, tama ang sinabing name ni Calli.

"Why? You'll gonna stalked her?" natatawang tanong niya sa akin.

"Of cource hindi," giit ko.

Nanatili ang ngisi sa mukha ni Jacobus, hindi ako natuwa because of his reaction and ang tanong na 'yon. It's very...uncomfortable sa part ko.

"At kung Oo?" tanong ko sa kanya kahit wala naman na sana akong balak na gawin pa.

"Bakit mo naman siya pag-aaksayahan ng oras?" tanong niya sa akin.

"E, bakit you look defensive? Inunahan mo agad ako na i'll gonna stalked her kahit wala pa naman akong sinasabi," laban ko sa kanya.

Dahan dahang nawala ang ngisi sa kanyang labi. Bigla siyang kumalma at mariing napapikit.

"I'm sorry, hindi 'yon ang gusto kong iparating..." marahang sabi niya sa akin.

Napanguso ako. Baka iba lang din ang pagtanggap ko ng mga sinabi niya. Maybe I'm just over acting lang din?

"Ayoko lang na may ma-involve na ibang babae sa relationship natin, ayoko lang na dumating sa point na lahat ng babaeng nasa paligid ko ay pagselosan mo...dahil walang mangyayaring ganon, Gianneri," mahabang paliwanag niya sa akin.

Hindi pa din ako nakapagsalita, because I'm guilty din naman talaga sa sinabi at naging reaction ko. I know naman na minsan nag-o-over act din ako.

"At sinasabi ko 'to sa'yo hindi para protektahan ang iba kundi ang protektahan kung paano ka mag-isip. Medyo mahirap ang sitwasyon natin dahil magkalayo tayo, hindi tayo palaging nagkikita...may mga ganyan talaga, hindi ma-iiwasan na minsan mag-iisip ka," paliwanag pa din niya sa akin.

Hindi ko hiningi ang assurance na 'to pero kusa niyang ibinigay sa akin. And this is just right, I guess...tama lang naman 'yon sa kahit saang relationship.

"Pagdududahan mo 'yung mga taong palaging malapit sa akin, at magiging ganoon din ako sa 'yo...pero iniiwasan ko 'yon kasi hindi 'yon maganda sa relasyon," sabi pa niya sa akin.

"You'll gonna make selos din sa mga taong palagi kong makakasama?" tanong ko sa kanya.

Marahan siyang tumango bilang sagot sa aking tanong.

To Take Every Chance (Sta. Maria Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon