Chapter 14

8K 432 99
                                    

Veranda



Just like what I heard, mas mabilis talaga ang araw if you're enjoying it. Yung mga times na you want sana to take every chances slowly, every bonding, every moments, doon mas nagiging mabilis ang bawat segundo, mga minuto, at oras. Hanggang sa hindi mo na namamalayan na malapit ka nanaman umalis.

After ng date namin ni Jacobus ay mas naging close kami sa isa't isa. It just happend ng hindi namin namamalayan. Like the bond between us ay hindi namin pinilit, kusa siyang nangyari. And that is the good thing, yung mga hindi pinipilit.

"Subukan mo lang," nakangising sabi niya sa akin while itinuturo niya sa akin ang isang klaseng street foods na super bago sa paningin ko.

Nilingon ko ang kulay golden brown na roasted baby chick. I felt sad nang makita ko ang itsura nila. Some of the people na kumakain doon ay nakitang kong ini-isang subo lang 'yon. I can't imagine my self na kakainin 'yon.

"That's a baby sisiw...super kawawa," sabi ko kay Jacobus.

Sinabihan niya akong I should try it, pero siya ay hindi din naman kumakain no'n. I felt so sad habang nakatingin don. Ang baby pa niya pero kinakain na siya.

Ngumisi si Jacobus habang nakatingin sa akin. There is something sa way kung paano niya ako tingnan while nalulungkot ako about the sisiw.

Nagulat ako nang pisilin niya ang pisngi ko, it's a gentle pinch lang naman. Naramdaman ko pa nga sa cheeks ko kung gaano kagaspang ang balat sa hands niya. Maybe it's because of his sports, and ang gawain na din sa factory.

"Kumain ka na, wag mo na isipin 'yan. Baka mapanaginipan mo pa 'yan," biro niya sa akin.

Sinunod ko ang sinabi niya at hindi na nilingon pa 'yon. Sayang naman ang araw kung malulungkot lang ako sa isang bagay na wala naman akong magagawa. Kahit naman iyakan ko ang vendor ay hindi naman sila titigil sa pag titinda ng baby chick na 'yon.

Matapos ang buong araw namin sa factory ay uwian na ulit. Simula ng maging mabait na si Jacobus sa akin at hindi na siya grumpy palagi ay sinasamahan na niya akong maglakad pauwi sa amin.

"Nasabi mo na kina Ninong?" tanong niya sa akin.

Hindi ko na mabilang kung ilang beses niyang finollow up 'yon sa akin. Palaging busy si Daddy. I can't share it naman agad kay Mommy kasi I have a feeling na mas mauunahan pa niya akong ipaalam kay Daddy 'yon.

Bahagya akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Nakaramdam ako ng hiya because I promise na sasabihin ko na 'yon sa parents ko. He's willing naman magpaalam sa kanila, it's just that may something inside me na feeling ko I'm not yet ready na i-share 'yon sa kanila.

Maybe because I'm scared na pwedeng ma-ruin ang kung anong sinisumulan namin. I know naman na they will support me sa kahit na anong bagay, it's just that ang pagkakaroon ng boyfriend ay mukhang hindi magiging madali for them lalo na si Daddy.

"It's ok. I can wait..." he said.

Mukhang alam na agad niya ang sagot sa tanong niya sa akin because of my pananahimik. Mas lalo akong nakaramdam ng guilt, nahihiya ako sa kanya because I know naman na it takes two to tango, I also need to do my part.

"I'm looking for ano...the right timming," sabi ko sa kanya.

It's true naman, may plan naman talaga akong sabihin 'yon. I'm looking lang talaga sa right time kung kailan ko 'yon pwedeng i-share sa parents ko.

Ngumiti siya sa akin, napakamot pa sa kanyang batok.

"Don't pressure you're self. We'll take everything slowly..." sabi pa niya sa akin.

To Take Every Chance (Sta. Maria Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon