Ikaw
After ng aming kasunduan na he will wait for me tomorrow ay nag-start na kaming gumawa ng saranggola. Jacobus wants to make a saranggola na gawa sa newspaper. But that's not me...I want mine to be colorful.
"Anong makulay?" irritated na tanong niya sa akin.
Super G na kasi siya to start agad. Akin daw ang saranggola but hindi naman ata nagma-matter ang opinion ko. What is this kind of kalokohan?
"This is mine. Saranggola na color pink is what I want sana..." sabi ko pa in a very magalang way.
Syempre I need to be considerate din, siya na nga ang nag-alok ng help para magkaroon ako ng aking own saranggola. I don't want to be called ma-arte again.
Kanina pa nakakunot ang kanyang noo, he is so done na ata talaga sa akin. Nasa pinaka edge na siya ng kanyang pagtitimpi.
"Pretty please?" malambing na pamimilit ko sa kanya.
Kay Mommy ko natutunan ang ganoong ways, lalo na pag may gusto siyang hingin or ipagawa kay Daddy. Bigla na lang daw magiging soft ang knees ni Daddy pag ginagawa 'yon ni Mommy then he'll do whatever she wants na.
"Tsk."
"Wag mo nga akong ganyanan," he said kaya naman napaayos ako ng upo.
"Ang alin?" tanong ko in a very innocent way.
Inirapan niya ako na para bang he knows what I'm planning to do.
"Gawain 'yan ni Mama kay Papa," he said pa kaya naman tumulis ang nguso ko.
"Aww. Sayang. I thought magiging effective din sa 'yo," panghihinayang ko pa.
"Wala 'yang epekto sa akin."
"Why naman? You don't find me very cute ba? Yung mga friends ko nga sa Manila they really like me 'cause I'm cute daw..." nakangiting kwento ko pa.
"Mga lalaki?" seryosong tanong while ginugupit ang color pink na papel na gagawing saranggola ko.
Napaawang ang bibig ko. Kanina lang ay newspaper ang hawak niya. Para siyang isang magician, may hawak na kaagad siyang pink na paper. Looks like he's handa ah, he knows ba na mag-re-request ako ng pink saranggola?
Imbes na pansinin ang hawak niyang pink paper, I answered muna ang kanyang tanong sa akin.
"Girls and boys."
"Your age or not?"
"Mga ka-age ko and mga no."
Nalukot nanaman ang mukha niya dahil sa narinig. Natawa ako dahil sa mga ginagawa niyang facial reaction.
Tumango siya na para bang he heard na ang answer na gusto niyang marinig.
"Everyone, huh?"
Nagkibit balikat ako. "I don't know. May mga people din naman na ayaw sa akin. Like someone said nga na ma-arte ako..."
Nag-taas siya ng kilay at nilingon ako.
"Ma-arte ka naman talaga," akusa niya kaya naman napahawak ako sa chest ko.
I acted like someone poked my heart. "You're so grabe naman. Nakaka-hurt ng feelings 'yon."
"Opinion ko 'yon. Wala kang magagawa," laban niya sa akin.
But I'm not magpapatalo. Ang sabi ni Mommy and Tita Vera sa akin, hindi natatalo ang girls sa arguement kaya hindi ako papayag.
"But you're opinion is mali. I'm not ma-arte. And sandali pa lang tayong nagkaka-usap and bonding..." pag-uumpisa ko.
BINABASA MO ANG
To Take Every Chance (Sta. Maria Series)
RomanceSta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING