Utang
After that confrontation ay nagawa pa akong irapan ni Jacobus. He called me na nga Senyorita pero may pag-irap pa din.
"Where's my table at?" tanong ko sa kanya.
Nagkunwari akong nagpalingon-lingon sa paligid ng office ni Daddy. Iisang table lang naman ang nandon pero ginawa ko pa din 'yon. Mukhang nakuha kaagad ni Jacobus ang gusto kong iparating that's why ang kanina niyang nakasimangot na mukha, mas lalo pang sumimangot.
"Ikaw nga ang anak ng may-ari. Pero hindi lahat ng gusto mo ay susundin ko, Gianneri..." he said in a very serious tone.
Pinanlakihan ko siya ng eyes ko. I make sure na hindi kasing laki ng kanya na pwede ng malaglag ang eyeballs niya.
"Again...kakasabi lang, e."
Nagtiim bagang siya. Looks like he's pissed, but i don't have pake.
"Senyorita Gianneri...hindi ho lahat ng gusto niyo ay susundin ko ho. Nagkakaintindihan ho ba tayo?" he said. Super diin, super stressed ang Jacobus niyo.
"Oh ho..." matipid na sagot ko.
Napahilamos siya sa face niya with a gigil. I'm just riding lang kung anong mood niya. I want a healthy working place, kung galit siya palagi sa akin...it's not good for me. Kaya dapat I know how to blend in.
Inirapan niya ako. After that ay may tinawagan siya sa telephone at pinapunta sa office. While he's doing that ay umupo na muna ako sa sofa sa gilid ng office ni Daddy. I used to play there dati sa tuwing dinadalaw namin ni Mommy si Daddy sa work.
We even have our own mini refrigirator pa nga sa loob ng office ni Daddy para meron kaming ma-inom everytime na nandito kami.
Ramdam ko ang pagsunod ng tingin ni Jacobus sa akin. Tumayo ako at nilapitan ang refrigirator. Na-disappoint ako when I saw na it's turned off at walang laman. It's smells mabaho din because of pagkakakulob.
"We need some chocolate drinks, and some coffee...and some tubig here. Para hindi tayo manghina while working," sabi ko sa kanya.
Nakatingin siya at nakikinig sa akin, eventhough nasa tenga pa niya ang telephone at may kausap pa. I thought hindi niya ako papansinin, pero tinakpan ng kaliwang kamay niya ang dulo neto at sinagot pa din ako.
"Pagnau-uhaw ka, maglakad ka patungo sa pantry," he said.
"That's a waste of time...at...at..."
"At manahimik ka, may kausap ako," masungit na sabi pa niya. This time ay tinalikuran na niya ako at nag-focus na sa kausap.
I go back sa pagkaka-upo sa may sofa. Nilabas ko ang aking color pink LV Jane notebook. I used my Ipad when it come to taking notes. Pero sabi sa akin ni Daddy, sa dami ng notes na kailangan kong i-take down sa pag manage ng factory ay mas better kung may sarili akong notebook.
Naging busy ang buong office ni Daddy when the other trabahador came in. Binuhat nila papasok ang magiging table ko daw sabi ni Jacobus.
"Dito ba banda, Jacobus?" tanong nila Mang Lito. He's at old age na pero ang lakas pa din niya.
"Opo, diyan po sa pinaka sulok," sagot ni Jacobus pero sa akin siya tumingin.
Grabe kung makasabo ng pinaka sulok. Para bang he's so nandidiri na magkalapit kami.
After nilang ayusin ang magiging table ko ay inutos na din ni Jacobus na ipasok ang ilan pang mga gamit na kakailangin ko.
"Ayos na ito sa itaas ah, bakit ipinababa mo dito?" tanong ni Mang lito sa kanya.

BINABASA MO ANG
To Take Every Chance (Sta. Maria Series)
RomantizmSta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING