Manila
Imbes na ma-offend si Cassius sa napaka inosente kong tanong sa kanya ay natawa na lamang siya. It's not like an ordinary tawa, it's what they called halkhak kasi napatingla pa siya reason for us to see his adams apple.
Nilingon ko ang mga pinsan kong nakatingin din sa kanya, sa kanilang tatlo ay si Prymer lang yung walang kahit anong naging reaction. She's so pissed dito.
"It's in the eye of the beholder..." nakangising sabi niya sa akin.
Tumango ako because it's true naman. Tinuro ko ang mga mata ko.
"I'm sorry...not in my eyes," pag-amin ko sa kanya na mas lalo niyang ikinatawa.
Sa sobrang tawa niya ay napahawak pa siya sa kanyang tiyan. Laglag naman ang panga ng dalawa kong cousins, si Prymer naman ay nakangiti habang nakatingin sa akin na para bang she's so proud sa akin.
She's about to raise her hand pa para makipag-apir sa akin nang pinigilan 'yon ni Ate Kianna. Pinanlakihan pa niya ng mata ito na para bang it's not nice to do that.
"Hay, masyado mo naman akong pinapasaya sa unang araw ng klase. Baka hanap-hanapin ko 'yan," he said kaya naman mas lalo akong napangiwi.
"Masaya ka? Gusto mo pa-iyakin kita gamit 'to?" tanong ni Prymer sa kanya habang pinapakita ang kanyang kamao.
She's so matapang talaga. Pwede na talaga siya mag-artista like Ate Kianna, pero pang action star ang aura ni Prymer. Action star pero hindi yung bida, yung mga kaaway ng bida.
Ngumisi sa kanya si Cassius. "Kiss mo na lang ako," pang-aasar niya sa pinsan ko.
Nakita ko kung paano namula si Prymer, hindi sa kilig kundi sa inis.
"Umalis ka sa harapan ko, sisipain kita..." pagbabanta niya dito.
Sa huli ay natapos din ang pag-aasaran nila. Umalis ang grupo ni Cassius para pumunta na sa kanilang unang klase. Mga college na pero dala pa din nilang dalawa yung aso't pusa kind of relationship nila.
I sent a reply agad kay Jacobus about my whereabouts. I told him pa nga na I'm sorry for the late reply pero hindi naman niya pinansin 'yon. Like it doesn't matter and he don't mind.
Our first day as a college student went well. Everytime may message si Jacobus sa akin ay nagre-reply naman ako kaagad.
Ito siguro yung sinasabi niyang hindi ko siya mami-miss because araw-araw naman kaming magka-kausap.
"I-glue na natin 'yang phone mo sa kamay mo," pang-aasar ni Castaniel sa akin.
Nginusuan ko lang siya at pinanlakihan ng mata. Nasa cafeteria kami para sa aming lunch break. Hindi namin kasabay sina Prymer at Ate Kianna since iba-iba naman ang schedule namin.
"Lunch na namin..." sambit ko habang tina-type ko 'yon as a message for Jacobus.
He sent the same message sa akin a minute ago kaya naman nag-send din ako. Napa-angat ako ng tingin when my cousin told me na paparating si Larson, he's heading on our table.
I saw kung paano halos mabali ang leeg ng ibang girls sa cafeteria about his presence. Kung pwede maging action star si Prymer, mas lalong pwede itong si Larson. Yung serious face niya, yung built body and his height...black leather jacket na lang ang kulang mapapa-lights camera action na 'to.
"Si Kianna naka lunch break na?" tanong niya sa amin.
Bumaba ang tingin ko sa hawak niyang paper bag from a expensive restaurant. Knowing Ate Kianna, super pihikan sa foods.
![](https://img.wattpad.com/cover/344968535-288-k573922.jpg)
BINABASA MO ANG
To Take Every Chance (Sta. Maria Series)
RomansaSta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING