Chapter 28

7K 396 125
                                    

Umalis

Hindi na maalis sa isip ko ang narinig ko mula sa relatives ni Jacobus. They're planning na dalhin sila sa America? I'm hundred percent sure na hindi papayag si Tito Junie. And kahit si Jacobus ay hindi din.

I told Calli about it, kahit siya ay malaki ang paniniwala na it's all just a plan. Hindi 'yon mangyayari.

"Malabo 'yon mangyari," paninigurado niya sa akin.

Kaya naman kahit hindi 'yon mawala sa mind ko, and ung ano-anong scenario na din ang nagawa ko sa isip ko ay pinanghawakan ko pa din na hindi papayag si Jacobus sa gusto ng relatives niya.

"Ni ayaw nga niyang iwan ang Sta. Maria," she said pa.

Like halos buong araw, bawat minuto ko na ata siyang tinatanong ulit tungkol don. I'm overthinking na.

Tinatawanan lang ako ni Calli everytime ma-uulit yung tanong ko sa kanya. Same lang naman palagi ang sagot niya pero mas nakakampante ako pag narinig ko ulit yung sagot from her mismo.

"At kung gusto mo lalong makampante...ask him," she suggested.

Napatigil ako sandali while processing that suggestion of her. My point naman siya, mas lalong mawawala ang pag o-overthink ko kung kay Jacobus ko mismo maririnig na hindi siya sasama sa relatives niya papunta sa America kahit anong mangyari.

"But we're not that bati," sabi ko kay Calli.

Tinawanan niya ulit ako. "Kahit ganyan si Jacobus sa 'yo, hindi ka no'n matitiis. Sasagot pa din 'yon sa tanong mo," sabi niya pa sa akin.

Tumulis ang nguso ko, kung alam niya lang kung paano ako I-treat ngayon ni Jacobus. Sobrang different sa kung paano no'n. That's something na hindi na nakakagulat dahil sa nangyari. Pero parang hindi ko na siya kilala.

Like it's different Jacobus na. Wala ng bakas ng Jacobus na naging boyfriend ko.

"He's in a difficult time right now. You just need to be there for him hanggang sa maka-recover siya," Mommy said.

Alam din ng parents ko na we're not okay din. Knowing na may tampo ang family nila sa amin ay understandable naman.

"We're still lucky na kahit may hindi kami pagkaka-intindihan ni Junie ay hinahayaan pa din nila tayong maglabas masok sa burol," Daddy said.

Hindi ko na din nakaka-usap ng maayos si Daddy lately. Ang sabi ni Mommy ay sinisisi pa din ni Daddy ang sarili niya kung bakit lumayo ang loob ni Tito Junie sa kanya at nangyari 'to.

Maaga akong bumaba from my room the next morning. Ilang araw na lang ay ililibing na si Tita Ericka, humaba ang burol dahil sa ilang mga reltives na umuwi galing sa ibang bansa.

"Gianneri...mag-breakfast ka muna," tawag ni Yaya Esme sa akin.

Hindi ko siya nakikita, nasa kitchen siya pero nagawa pa din niya akong tawgin with her loud voice.

"Later na lang po," magalang na sagot ko sa kanya kahit medyo pasigaw din 'yon para alng din marinig niya ako.

I don't like shouting, ayokong makipag-usap na sumisigaw. Feeling ko kasi that's inapproriate. Pero sabi naman sa akin ni Yaya Esme, it's ok lang daw with her kaya naman natutunan ko na din.

I was about to head straight palabas ng front door when I saw one of our kasambahay open the front door.

"Good morning po, Attorney..." she greeted.

Nanlaki ang mga mata ko when I saw Tita Tathi entered the house. Hinahanap niya si Daddy. Kaya naman imbes na tumuloy ay naglakad ako papunta sa kitchen.

To Take Every Chance (Sta. Maria Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon