Axus
"Are you excited ba na I'll gonna watch your sagala?" tanong ko kay Jacobus.
Serious pa din ang face niya eventhough inaasikaso niya ako for our mirienda. Jacobus is someone who's very matured in his age. I don't know? It's a good thing naman, but minsan he forgot na he's bata pa and he still needs to enjoy ang life as a bata.
"Hindi naman. Normal lang," he said kaya naman tumulis ang nguso ko.
I'm behave lang habang pinapanood ang bawat galaw niya. He's ma-asikaso today. That's nakakapagtaka. Matapos kong tingnan ang bawat movement na ginagawa niya ay umakyat ang tingin ko sa face niya.
"It's not normal naman," sambit ko.
Nilingon niya ako at sinimangutan. He saw me na nakatingin sa face niya kaya naman pinagtaasan ko siya ng kilay to hide my kahihiyan.
"Ano ang hindi normal?" masungit na tanong niya sa akin.
Nagkibit balikat ako. I'm fighting the urge to tell him what's on my mind. Siguradong magagalit nanaman siya sa akin.
"Your face," sabi ko at nagulat pa. Tinakpan ko kaagad ang mouth ko.
"Sorry, i tried na nga napigilan e," sabi ko pa kay Jacobus para naman he knows na i'm not masama.
Inirapan niya ako at bumulong siya na hindi ko naman ma-intindihan.
"Ang normal kasi na face hindi mad," giit ko pa.
Sabi ng Mommy ko, if may katwiran ka...ipaglaban mo.
"Hindi naman ako galit," he said pa. Aba't may ipinaglalaban din.
Humalukipkip ako at nagtaas ng eyebrows.
"Smile nga..." pang-aasar ko sa kanya.
Tumulis ang nguso ni Jacobus bago iyon naglapat.
"Ayoko," pagmamatigas niya.
"Smile na 'yan," pagpapatuloy ko.
I noticed ang pagpula ng kanyang tenga bago siya nag-iwas ng tingin sa akin.
"Tigilan mo." Pinal na sabi niya before he take the most cliche scenario sa isang movie.
The walk out scene.
"Really? Ang early pa para mamili ng mga gamit sa school," puna ko kay Jacobus.
We're done na kumain ng mirienda. Sinabi ni Tita Ericka sa akin na bumili na si Jacobus ng ilang school supplies para sa darating na school year.
"He's working?" gulat na tanong ko.
In an early age? It's a child labor!
"Hindi naman kailangan, pero gusto ni Jacobus 'yon..." kwento pa ni Tita Ericka sa akin.
Nagde-deliver ng mga newspaper si Jacobus every morning kaya naman nagkakaroon siya ng sarili niyang money.
"That's why po ba yung bicycle niya may basket sa front?" tanong ko kay Tita.
Para 'tong isang puzzle na unti-unti ko ng nabubuo. I feel so detective na tuloy.
Tumango si Tita. "Nagbi-bike kasi siya tuwing umaga, tapos na-isip niyang mag-deliver ng mga dyaryo..."
That's why some of his school supplies na binili ay galing sa mismong money niya.
Nilingon ko ang tahimik lang na si Jacobus. Nilingon niya din ako na para bang nagbabanta siya na kung may gusto man akong sabihin, I should keep it to myself na lang.

BINABASA MO ANG
To Take Every Chance (Sta. Maria Series)
RomanceSta. Maria Series (Herrer Girls- 3rd Generation) ON-GOING