Chapter 29

8.1K 419 162
                                    

Good girl



"Can you imagine that?"

Nagkatinginan kami nina Prymer at Castaniel. Ate Kianna is a bit hysterical dahil sa kumakalat na rumors about her.

"Ipakulong mo lahat," Prymer said na para bang it's easy for her to I-point out ang lahat nang nagpakalat ng rumors at ilagay silang lahat sa jail.

Napabuntong hininga si Ate Kianna at napahilot sa kanyang sintido. She's aminado naman na may fault din siya, hindi siya naging careful sa mga naging galaw niya while she's on a vacation sa Siargao.

"Send the girl a message," Suwestyon ni Castaniel.

Nagulat kaming lahat nang hampasin niya ang lamesa sa harapan namin. The cup of my iced coffee spilled a little. Marahan ko 'yong inusog palayo sa akin para kung sakaling ma-ulit ang pag galaw ng baso ay hindi matapunan ang suot kong white dress, may meeting pa ako after this.

"For what? Aakalain lang no'n na guilty ako...I'm not guilty. Hindi ako mang-aagaw ng boyfriend ng kung sino. Hubert is not even my type," Ate Kianna said.

Kanina pa din siya tinatawagan ng manager niya pero hindi niya sinasagot. They want her to have a presscon pero she insisted na hindi na 'yon kailangan because lalabas siyang guilty.

"Stay unbothered," suwestyon ni Prymer bago siya nag-iwas ng tingin at nakipagtitigan sa coffee sa kanyang harapan.

Nilingon siya ni Ate Kianna. Lately, may napapansin kami sa kanila ni Prymer, para bang may something sa kanila...like a misunderstanding. We tried na itanong kung ano 'yon pero hindi naman nila kami sinagot ng ma-ayos.

Tumingin ako sa suot kong wrist watched, nakita kong ma-iksi na ang oras ko to travel para sa susunod kong meeting with some client kaya naman nagpa-alam na ako sa kanila.

"I need to go. Uuwi pa ako ng Sta.Maria sa weekend," paalam ko sa mga pinsan ko.

"The forbidden place..." sabi ni Prymer.

Nagkibit balikat na lamang ako. Wala din naman akong magagawa, I need to manage the ricemill factory. All these years ay ipina-ubaya na muna ni Daddy kay Ninong Julio ang pagmamanage dito. Muntik na 'yong mag-sara dahil sa naging issues from the past.

Nalinis ang pangalan ni Daddy, pero para bang tumatak na 'yon sa isip ng ibang tao sa Sta. Maria. I love that place, para kasing it feels like home everytime na umuuwi kami doon...noon. Pero after ng mga happenings...kulang na lang ay itrato kaming persona non grata sa lugar kung saan itinuturing naming tunay naming tahanan.

Nakakalungot lang, ang kwento nga sa amin ni Yaya Esme noon, pag narinig mo ang Sta. Maria...Herrer ang ma-aalala mo.

"Nasa spain pa din ba sina Tito at Tita?" pahabol na tanong ni Castaniel sa akin habang nag-aayos na ako ng mga gamit ko.

Marahan akong tumango. "They need a vacation...a good one," sabi ko pa.

Kaya naman hindi na ako tumanggi pa na I-manage ang lahat ng work na na-iwan ni Daddy.

We are all working under the Herrer-Jimenez Empire. I've been attending a lot of meetings lately on behalf of my Dad.

Naging mabilis ang week na 'yon hanggang sa hindi ko na namamalayan na kailangan ko na muna ulit iwan ang Manila para bumalik sa Sta. Maria.

"Aalis ka nanaman nang hindi ako ililibre ng icecream?"

Napa-irap na lang ako sa kawalan habang pinapakinggan ang reklamo ni Quinn mula sa kabilang linya.

To Take Every Chance (Sta. Maria Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon