Chapter 20

9.4K 393 69
                                    

Classmates



Inirapan ko siya because of what he said. He thinks na funny 'yon pero it's hindi. If hindi siya naniniwala sa Long distance relationship, siya 'yon. But he should not take it like what he said na kalokohan 'yon.

"Grabe naman maka-irap," pang-aasar niya sa akin.

Imbes na sagutin siya ay inirapan ko lang siya ulit. Wala ako sa mood na kausapin siya, ayokong makipag-usap sa mga taong hindi ko kapareho ng mindset.

"Suplada," he said pero wala pa din akong pakialam.

Imbes na bigyan ng pansin ang tao sa tabi ko ay muli akong napasulyap sa phone ko para tingnan kung may message na si Jacobus. Eventhough he's not online and responding ay nag-uupdate pa din ako sa kanya.

Halos mapuno na ng blue chats ang conversation namin.

"Kanina ka pa tingin ng tingin sa phone mo," he said.

Super pakialamero naman ng isang 'to.

"Who you ba? Close ba tayo?" masungit na tanong ko sa kanya.

I exert a lot of effort pa para lang magtunog suplada ako because i'm not used to be like that naman. Mabait naman akong kind of person.

"Quinn Montgomery," pagpapakilala niya ulit.

Nag-iwas ako ng tingin para ipakita sa kanyang hindi ako interisado. Dahil sa pagpapapansin ng nasa tabi ko ay late ko na nakitang nag message na si Jacobus.

Biglang nag bago ang mood ko, bigla akong sumigla because of his message. He said na mag-ingat ako and he's sorry for being inactive because he's busy daw sa school. He didn't even noticed nga ata yung mga nauna kong messages.

I was about to type pa lang sana ng reply pero sobra akong nadismaya nang makita kong active 2 minutes ago na siya. Like hindi man lang ba niya hinintay na makasagot ako?

Dahil sa sobrang sama ng loob ko ay binura ko ang mga unang na-type ko at padabog kong tinago ang phone ko. Wala na akong pakialam kahit pa pansin ko ang panunuod ni Quinn sa bawat galaw ko.

Dahil pa lang sa mga galaw ay alam ko na kaagad na ay idea na siya sa mood ko ngayon. I'm galit.

"Lalaki ba 'yan?" he asked.

Mas lalo tuloy sumama ang tingin ko sa white board dahil narinig ko pa ang boses niya.

"Bakit ikaw ang magpapa-apekto? Sino ba ang nanligaw?" tanong niya sa akin.

Hindi ko pa din sana siya papansinin pero na-curious ako sa tanong niya. Like may feeling ako na may sense naman kahit papaano ang sinasabi niya.

"Siya," tipid na sagot ko pero hindi pa din nagbabago ang talim ng tingin ko sa white board.

Napa-ayos siya ng upo na para bang he's getting ready sa isang serious at mahaba-habang usapan.

"E, bakit parang ikaw ang naghahabol ngayon?" tanong niya sa akin.

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin. "I'm not naghahabol. Naka-upo ako oh," sabi ko sa kanya. I know na it's pagiging pilosopo pero it's somehow true naman.

"Bakit ikaw yung nagde-demand ng oras?" tanong pa niya sa akin.

Hindi niya pinansin ang nauna kong pabalang na sagot.

"He's busy daw," laban ko sa kanya.

Ngumisi siya at nagkibit balikat.

"No man is busy for the woman he loves," laban niya din sa akin.

To Take Every Chance (Sta. Maria Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon