Chapter 22

6.5K 364 78
                                    

Against

Jacobus tried to call back matapos kong i-end ang call. Half of me wants to click the answer button but mas nangingibabaw sa akin ngayon ang pride ko. I can't explain it, gusto kong maniwala sa kanya na ayoko. I trust him but not fully.

Nag-message siya na sagutin ko ang tawag pero i-seen it lang. The galit inside me is building up na para bang kahit ano pang ipaliwanag niya, lumipas man ang issue na 'to ngayong araw ay palagi ko na itong ib-bring up.

Naramdaman ko na lang ang pagtulo ng luha sa aking mga mata dahil sa bigat ng pakiramdam ko. Hindi ko malabas ang galit kaya naman na-ipon na lang 'yon sa chest ko at iniyak ko na lang.

"Ngl? Pang-single lang 'yon," natatawang sabi ni Prymer sa amin.

I didn't tell them exactly kung ano ang naging pag-uusap namin ni Jacobus. They asked me kung anong nangyari but nagkibit balikat lamang ako.

"Tamlay ah..." puna pa niya sa akin.

Inirapan ko ang coffee na nasa harapan ko, ma-init pa 'yon kanina, ngayon parang iced coffee na siya.

"Wag mo na nga..." suway ni Castaniel sa kanya.

Hindi din niya mahanap ang tamang words para pagaanin ang loob ko. I don't know. Si Jacobus ang reason kung bakit mabigat ang kalooban ko ngayon, pero he is the one I want para pagaanin din 'to.

Kahit hindi ko sinasagot ang nilo-long press ko lang ang mga messages niya sa messenger ay hindi naman siya tumigil sa pag-u-update kagaya ng mga normal days.

Napansin ni Ate Kianna ang pagiging matamlay ko when she showed up, kagagaling niya lang sa isang tv commercial shoot at wala pang tulog.

"Ask Calli."

Tinawagan niya ulit si Calli at nag-video call, this time ay nasa field siya ay nanunuod ng practice. Naka braid ang buhok niya kaya naman kitang kita ang maliit na mukha ng pinsan ko.

"Who did your braide? Ang galing kahit short hair ka," my cousins said.

Napasapo na lang ako sa aking noo, kanina lang ay mas seryoso pa sila sa akin. After the girls talk ay napunta din naman ang usapan sa totoo nilang pakay.

"NGL? May ganon si Jacobus?" tanong ni Calli sa amin mula sa kabilang line.

Kahit siya ay parang hindi din makapaniwala. Kahit naman ako ganoon din ang naging reaction.

"Pero hindi na daw ginagamit," segunda pa ni Castaniel na mukha forever on Jacobus side.

Nasabi ko naman 'yon kanina sa kanila, hindi ko din naman kasi napigilan ang sarili ko at sinabi ko ang tungkol sa maliit na detalye ng mga napag-usapan namin.

"I don't think it's Jacobus, Gianneri..." marahang sabi ni Calli sa amin.

Natahimik ako, parang bigla akong nakaramdam ng guilt, the way kasi sabihin ni Calli 'yon ay para bang she's one hundred percent sure na hindi nga si Jacobus 'yon.

"Kilala ko si Jacobus..." she said pa.

Ang that hits me...'yon na nga, because limited lang ang time na magkasama kami palagi, sa chats and video call lang kami nag-uusap, there is still the pagdududa.

"Ganito, let's talk later...yung tayong dalawa lang," natatawang sabi niya.

Nag-reklamo ang mga pinsan namin pero tinawanan lang sila ni Calli.

"Pag hindi na clouded ang mind ni Gianneri. And I think wag niyo na siya kausapin tungkol diyan...let her figure it all out by herself," she said pa sa mga cousins namin.

To Take Every Chance (Sta. Maria Series)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon