DAY FIVE (2)

2 4 0
                                    

12: 45 PM

Muling tumahimik ang van habang tinatahak namin ang daan patungo sa bahay ni Nicole. Damang dama ang tensyon na bumabalot na walang ni isa sa amin ang balak bumasag, nagaalala at kinakabahan ako sa kung anong posibleng nangyare sa bahay ni Nicole.

Hindi parin nawawala sa isipan ko ang mga nagawa ko kay Auntie. Yung itsura ni Auntie, duguan... Na para bang nasa kamay ko pa rin ang dugo niya. Paulit-ulit na dumadaan sa isipan ko ang bawat detalye. Sa bawat pikit ko, bumabalik ang eksena—ang init ng katawan kong galit na galit habang pinapatay ko 'yung mga halimaw. 

"Hey." pabulong na tawag sakin ni Jackson at inabutan ako ng bottled water. "Okay ka lang?"

Tanging tango lang ang naisagot ko at tinanggap ko ang tubig na inalok niya. Nanatili lang ang atensyon ko sa tubig na inabot niya sakin. Paano ba ipapaliwanag 'to? Galit? Takot? Ginhawa? Sobrang halo-halo na ng nararamdaman ko hindi ko na maintindihan.

"Dlaire hindi mo pasan ang mundo, hindi ka nagiisa. Alam kong matindi ang galit mo kay Auntie Francia kaya ganon nalang ang naramadaman mo kanina, hindi ko masasabing naiintindihan kita pero nandito lang ako, andito lang kami sa tabi mo." Sinalat ni Jackson ang balikat ko, tapos umupo siya sa tabi ko.

"Salamat, Jacks," bulong ko, pilit pinipigilan ang bigat ng damdamin ko. "Pero marami pa tayong kailangan gawin." Sumilip ako sa pwesto ni Venice, tahimik itong nakaupo habang nakatitig sa braso niyang naka benda, habang ang katabi niya namang si Isabella ay nakatulog na.

Habang sila Gino at Danyel naman ay abala sa paglalagay ng mga pagkain na nakuha nila sa 7/11. Napatingin ako sa gawi ni Travis at parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang kaniyang mukha.

Nang marating na namin ang kanto papunta sa bahay ni Nicole ay hindi nakawala sa paningin ko ang usok na nagmumula dito. May mali.

"We need to walk, hindi kakayanin kung ipapasok natin ang van sa kalye nila, masyado nang malaki ang sunog." Agad na bumaba si Travis at tumakbo na papalapit sa bahay nina Nicole.

Agad kaming sumunod kay Travis at natagpuan nalang namin nanghahalumpasay si Liam habang nakatingin sa nasusunog na bahay. 

Nicole, no.

"Nicole! No Nicole!"

THIRD PERSON

12: 12 PM


"Sorry Ma, hindi ko kaya mabuhay kung wala ang taong nagmahal at tumanggap sakin ng buo. Ma, mahal na mahal kita, hinding hindi ako magsisi na samahan ka hanggang sa huli mong hininga." dahan dahang pinihit ni Nicole ang tanke na naglalaman ng gasolina habang diretsyong nakatitig sa kaniyang nanay na nahihirapan nang makawala sa pagkakatali nito sa upuan, duguan at ang namumuti nitong mga mata.

Chess Serquinea was infected by the virus. 

"Ma, tara pahinga na tayo."

Sa hindi kalayuan ay parating na ang grupo nila Liam na mula sa bahay nila Veronica. Isang malakas na alingaw-ngaw ang pumutol sa pagkwekwentuhan ng mga ito at napatingin sa pinanggalingan ng pagsabog.

Halos hindi magkanda ugaga si Liam sa pagmamaneho papunta sa bahay ni Nicole. Ilang metro palang ang layo ay lumabas na ito ng van. Sa taranta ay sumunod na sina Patrick at Nicholas kay Liam.

"T*ngin*! Nicole lumabas ka jan!"  pilit na ikinakalma nila Nicholas si Liam na nagpupumilit pumasok sa tinutupok na bahay.

"T*ngin* Patrick, Nicholas bitawan niyo ako asa loob si Nicole!"

"T*ngin* bitawan niyo ko!"

Dumating ang grupo ni Dlaire na hindi rin makapaniwala sa inabutan nilang bahay na tinutupok ng apoy.

"Nicole, no. Nicole no!" napaluhod nalang si Dlaire at talong talo sa sumalubong sa kanilang harapan. "Mukhang kanina pa nagkasunog dito Trav. Bago kami makarating dito ay nakarnig kami ng malakas na pagsabog."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vacation ft. Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon