DLAIRE
Halos ilang oras na kaming nag lalakad at hindi ko mapigilang magisip ng bagay bagay. Nagaalala ako kung anong maabutan namin pagdating namin sa daungan.
May maabutan pa ba kaming tao?
Kung kakayanin pa ba namin?
Saan kami patungo kung delikado na sa Cavite?“Pagdating natin sa daungan, hindi tayo pwedeng maghiwa-hiwalay.” Payo ni Maddie at halata sa kaniya ang kaba at takot.
"Pangako Maddie, hinding hindi tayo maghihiwalay." Paniniguro ko sa kanya at hinawakan ang kanyang kamay.
"Dlaire sa totoo lang natatakot ako sa pwedeng mangyari satin, wala tayong mapupuntahan kung sakaling delikado na dito." Sabi pa nito sa akin, damang dama ko ang pagaalalang nararamdaman ni Maddie.
"Pede naman siguro tayong bumalik dito sa isla hanggang sa maging okay na ang lahat?" Dagdag pa nito.
"Siguro kung papayag si Veronica." sabi ko at bahagya siyang nginitian.
"Malapit na tayo.” Sabi ni Veronica at hinawi ang isang malaking dahon at doon na nga tumambad saamin ang yate na nakatago sa loob ng kweba.
Napakalaki ng yatch na ito at halatang alagang alaga nila Nanay Tying. At hindi lang ito nagiisa, may tatlong yate pa itong katabi pero ang gagamitin namin ay ang pinakamamalaki at ito ata ang bagong biling sinabi niya kanina.
“Sumakay na kayo at iangkla na natin ito para makaalis na tayo." sabi ni Veronica at nauna ng umakyat ng yate. Sumunod naman kami dala dala ang mga gamit.
"Veronica paabo---‘Ate Nica! Pakiusap isama mo kami!’" nabigla kami sa pagsigaw ng isang babae sa likuran may dala dala itong mga bagahe at isang lalaki na hindi namin makilala kung sino dahil hindi naman namin ito nakita sa bahay.
“Isabella? Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Veronica at nilapitan si Isabella na ngayo'y hingal na hingal at naghahabol ng hangin.
“Ate Nica, hindi ko na kaya palagi nalang akong pinagmamalupitan ni Tatay Delphine. Alam kong mas nakakatanda sya sa akin pero sobra na ang ginagawa niya lalo ng malaman niyang nagkikita kami ng aking nobyo kapag nagpupunta ako sa baryo." paliwanag pa nito at hinawakan ni Isabella ang kamay ni Veronica.
"Siya nga pala si Kuya Gino pinsan ko. Palagi siyang pinagiinitan ni Tatay Delphine at Nanay Tying dahil sa ginawa ng Papa nya kay Tita.” pagpapakilala nya sa kasama niyang lalaki.
"Hi Veronica, sorry sa magiging abala sa pagsama namin sa inyo. Gusto ko na talagang umalis nung nakaraang buwan pa pero hindi ko nagawa dahil nalaman nila Tatay Delphine at pinarusahan ako nadamay pa si Isabella sa nangyare. Kaya't mas gugutuhin nalang naming umalis at iwan sila Tatay Delphine at Nanay Tying. Sobra na kase sila sa ginagawa nila."
"Isabella alam mo namang hindi pwede. May kumakalat na virus ngayon mas ligtas kung dito lang kayong dalawa.” - Veronica.
“Ate Nica hindi na namin kayang magtagal pa dito. Kung alam mo lang kung pano kami tratuhin dito. Ate pangako ko sayo hindi kami magiging pabigat sa pagsama sa inyo." Pangungulit pa ni Isabella at wala na ngang nagawa pa si Veronica at ipinasakay na ang dalawa.
"Siguraduhin niyong hindi kayo mamatay, hinding hindi ko kayo mapapatawad. Lalo ka na Isabella." Veronica threatened Isabella pero nginitian lang ito ng dalaga at niyakap siya.
"Thank you ate! Kaya mahal kita eh!" sabi nito at yumakap kay Veronica. Ngiti at hello ang sinabi sa kanila ng pagakyat nila sa barko.
“Dlaire? Okay ka lang ba?" Nagaalalang tanong sakin ni Danyel at hinawakan ang kamay ko. Hindi ko alam ang isasagot ko isang mariin lang na pagpisil ang ginawa niya at inihipan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Vacation ft. Zombie Apocalypse
Roman pour Adolescents"Dalawang araw na galaan. Hindi ko inasahang magiging dalawang linggo" TFT Book 1 Only updates pagsinisipag °w°