DAY ONE

29 12 0
                                    

March 23 20** 8:43 am

"Matagal pa ba si Dlaire?" nababagot natanong ni Jackson habang kinakalikot ang kanyang telepono.

"Bat di mo kaya tawagan o di kaya ay ichat man lang?" pag sagot pa sakanya ni Danyel.

Inis na tinawagan ni Jackson si Dlaire na kanina pa inaantay.

Ilang ring pa ay sinagot narin nito ang tawag.

'Nasan ka naba? Ikaw nalang ang inaantay dito.' Asar nasa sabi ni Jackson sa kanyang kausap.

'T-teka lang.' Sagot nito sakanya at binabaan na ng tawag. Napa singhal nalang si Jackson at naupo sa isang tabi at pinansak ang kanyang earphones.

Mula kagabi ay wala itong pahinga dahil pinaglinis sya ng bahay ng kanyang lola upang makasama sa gala nilang magbabarkada. Kaya medyo iritado ang tono nito.

"Sunduin ko lang si Dlaire sa kanto." Paalam pa ni Danyel bago puntahan si Dlaire.

"O sige, bilisan nyo dahil parating na yung bangka." sabi pa ni Veronica at inayos ang kanyang mga gamit.

8:54 am

Sa isang maliit at maiingay na bayan nagkausap magkita ang mga magkakaibigan. Ngunit heto ngayon ang isang dalagang halos lahat na ata ng sama ng loob mula sa taong kanyang kausap ay nasalo nya na.

"Ano? Hindi ka pa ba baba? Kanina pa tayo nandito?" mataray na tanong nito sakanya.

"Sige coz, salamat sa ride." Mapakla nyang sabi bago bumeso at bumaba na ng kotse.
Huminga sya ng malalim bago nagsimulang maglakad papalapit kay Danyel na nagaantay sakanya sa lilim.

"Bat ang tagal mo?" tanong nito sakanya at kinuha ang kanyang mga dala dalang gamit.

"Pinagalitan ka nanaman ba ng Tita mo?" dahang dahang tumango si Dlaire at nagpunas ng luha. Mula kagabi ng magpaalam sya na may gala silang magkakaibigan ay pinagalitan at pinagsabihan siya nito ng kung ano aong salita.

Pitong buwan na ang nakalilipas ng pumanaw na ang kanyang mga magulang, at lahat ng titulong kanilang pagmamay ari ay inangkin na ng kanyang mga kamaganak.

Dahil daw sa walang mag aalaga sa kumpanya at masyado pa daw siyang bata upang mag patakbo ng isang tatak at malaking kompanya. At sila pa ang may lakas ng loob na alipinin si Dlaire habang sila sa bahay nag aasta mayaman.

"Akala nila sila yung nagmamayari ng mga gamit sa bahay, kung ibenta nila."

"Sarap nilang ipatapon sa isla!" sigaw pa ni Dlaire at pumadyak. Natawa nalang si Danyel saka ginulo ang kanyang buhok.

"Tara na unano, kanina pa sila naghihintay sayo." Yaya pa nito at nauna nang maglakad patungo sa daungan.

"Anong unano!?"

"Hoy! Danyel!"

Nakarating na ang dalawa habang nagtatawanan at ang mga naghihintay kanina pa ay halatang inip na inip na dahil sa mainit at masangsang na amoy na sumusoksok sa kanilang mga ilong.

"Grabe Dlaire, akala namin dito na kami magoover night sa tagal naming kakahintay sayo." Sarkastikong sabi ni Veronica kay Dlaire habang nakapamewang.

"Napaka init pa naman." Reklamo pa ni Nicholas habang kuntodo mag paypay sa sarili.

"Tara na, gusto ko pang matulog." Masungit na sabi ni Jackson at kinuha ang natitirang dala ni Dlaire at nauna nang sumakay sa kadarating na bangka.

"Anong nangyari don?" tanong ni Dlaire kay Nicole ngunit hindi sya nito sinagot at pasimpleng tumingin kay Danyel at sumakay na.

Vacation ft. Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon