March 25 20** 4:36 pm
DANYEL
Hindi ako mapakali habang tinitignan si Dlaire na tila ba mahimbing na natutulog, dalawang comforter na ang inilagay ko sakanya at nilagyan ko narin siya ng bimpo sa ulo para lang uminit init ang pakiramdam niya.
Kakatapos ko lang rin linisan ang sugat na natamo ni Dlaire.
Lumabas muna ako sa silid upang magpahangin. Nagsimula na ang pagalalakbay namin papunta sa Cavite.
Hindi ko na alam kung anong aasahan ko sa pagdating namin sa Cavite. Walang kasuguraduhan kung may maabutan pa ba kaming mga tao sa bahay.
Pero isa lang ang nasisiguro ko, mas mahirap ang dadanasin namin kesa sa dinanas namin kanina.
"Uy Danyel ang lalim naman ata ng iniisip mo?" napalingon ako sa likuran ko at doon ko nakita si Nicole. Umupo ito sa upuang sa tabi ko.
"Bat nagsosolo ka? May problema ba?" nagaalalang tanong ni Nicole sa akin. Umiling lang ako sa kanya, muling bumalik sa isip ko si Dlaire. Wala silang nakuhang antibiotics paniguradong may maiimpeksyon ang sugat na natamo ni Dlaire. At mas lala pa ang pagkukumbosyon niya.
"Andyan lang pala kayong dalawa, tara tulungan natin sila Kizuro na ayusin ang mga gamit. Para makapagcharge narin ako." wika ni Patrick at hinila na si Nicole. Sumunod na ako sa kanila at naabutang nagbubukas ng mga karton sina Kizuro.
"Itong solar ilagay nyo don sa taas." utos ni Veronica na agad namang sinunod nila Jackson.
Unti unti naming inilabas ang mga nakuha naming gamit at pagkain. Ako na ang nagasikaso sa mga pagkain baka may nakuha silang antibiotics para kahit papano ay maibsan ang sakit na nararamdamn ni Dlaire.
"Nga pala asan si Dlaire?" biglang tanong ni Patrick kaya napalingon ako sakanya. "Baka nagpapahinga, hayaan niyo muna." wika ni Jackson at bumalik na sa ginagawa niya.
May nakita naman ako na isang box at naglalaman ito ng mga gamot gaya ng para sa lagnat, sakit ng ulo, ubo at sipon pati narin mga antibiotics at mefenamic. Nakahinga ako ng maluwag at saglit na nagmasid sa paligid bago ipasok ang gamot sa bulsa ko.
***
Nang matapos ako ay pinagmasdan ko lang si Jackson at napatanobg sa sarili ko, na bakit hindi nalang ako ang nagustuhan ni Dlaire? bakit siya?
"Uy Danny nababakla ka na ba kay Jackson?" kunot noo akong napalingon sa gilid ko. Nakangisi si Johanna sakin at di niya na mapigilang matawa.
"Ikaw ha! Bading." pangaasar pa nito sakin ng pabulong, bwisit na to nasabihan pa akong bading. "Doon ka nga apaka mo! Zuro yung asawa mo di nanaman ata nakainom ng gamot!" bulyaw ko parito at tinawahan lang ako ng dalawa.
"Bahala nga kayo jan magpapahinga na ako!" tumayo na ako at pumunta sa kwarto kung saan ko pansamantalang pinapatulog si Dlaire.
"Oh Danyel saan ka magpapahinga? dito sa lobby ang mga higaan natin." rinig kong sabi ni Patrick.
"Dito nalang muna ako sa gilid." sabi ko at nagmadali na papunta kay Dlaire.
Nang makapasok ako ay sinalubong ako ng inis sa loob ng kwarto. Agad ko namang nilapitan si Dlaire at inasikaso ito.
"Dlaire, Dlaire..." pagising ko pa dito at bahagya siyang inuyog.
"Hmnm, Nyel? Nyel ang lamig." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Grabe ang init niya.
Inalalayan ko siyang umupo at isinandal ko ang ulo niya sa head rest.
"Teka lang Dlaire nakalimutan ko kumuha ng tubig." lumabas na ako at dali dali akong kumuha ng mineral water mula sa cooler.
BINABASA MO ANG
Vacation ft. Zombie Apocalypse
Ficção Adolescente"Dalawang araw na galaan. Hindi ko inasahang magiging dalawang linggo" TFT Book 1 Only updates pagsinisipag °w°