DAY THREE

15 5 4
                                    

March 24 20** 3:15 am

DLAIRE

'Hindi ba't sabi ko sayo wag mong gagalawin ang mga gamit na nasa attic!?' kabado kong hinarap si Auntie, at kitang kita ko sa mukha niya ang gigil.

'Auntie may hinahanap lang po kase ako.'

'Anong karapatan mong maghalughog sa pamamahay ko Dlaire!?' hindi gaanong malakas ang boses niya pero nakakabingi't nakakairita. Saan nya nakuha ang kapal ng mukha para angkinin ang pinaghirapang pagmamay ari ng pamilya ko?

'Auntie baka nakakalimutan mo, bahay namin to at nakikitira lang kayo dito!' pagsagot ko pa rito. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nakapagbitaw ako ng mga salitang nasa utak ko lang dapat.

'Aba ang kapal ng mukha mo! Ikaw'ng pakealamera ka ito ang dapat sayo!' Ibinato niya sa akin ang basong hawak niya kaya't umilag ako at nanatiling nakatalikod sa kanya.

Maya maya pa ay nakaramdam ako ng sakit na tila binabalatan ang likod ko. Doon ko nalang namalayan na nilalatayan na pala niya ako ng latigo.

Sinubukan kong tumayo ngunit hindi kinakaya ng katawan ko sa dami ng sugat na naitamo ko, sa binti, lalo na sa likod ko.

'Auntie tama na, nakikiusap ako.'

'Auntie...'

"Dlaire, Dlaire. Okay ka lang?" pabulong na tanong sa akin ni Travis, pinunasan ko ang mukha ko at doon ko lang namalayan na umiyak na pala ako habang binabangungot.

"Dlaire binangungot ka nanaman ba? Ayos ka lang?" umiling lang ako sakanya at inayos ang sarili.

"Anong oras na ba Trav?" pagiibang topic ko rito.

"Alas tres palang ng umaga, bumalik ka muna sa tulog." sabi nito sa akin at inabutan ako ng tubig.

"Di na ako makakatulog, matulog ka nalang jan." ani ko at lunabas. Sa ganitong oras ay madilim padin, kaya't mahangin.

Umakyat ako sa pinakamataas na parte ng barko at doon ko nakita ang buwan. Inihiga ko ang katawan ko at tumingin sa kawalan.

Sa dinami dami ng pwede kong panaginipan yung pananakit pa ng Tiyahin kong impakta.

"Sana maging zombie ka Francia Salmonte ng mapatay kita!"

"Woah woman chill!" agad akong napaupo at tumingin sa nagsalita.

"Ikaw lang pala Gino, ang aga mo naman atang gising?"

"Sana tinanong mo kung natulog ba ako hahaha. Ikaw bat parang ang aga mo naman nagising?" balik tanong niya sakin. Tumabi ito at nag abot sa akin ng kape.

"Shits na bangungot."

"About kay Francia Salmonte? Tindi ng galit mo sakanya ah!" hindi ko naman ikakaila na may galit talaga ako, matinding galit kay Tita wala na kase siyang ibang ginawa kundi sirain ang araw ko. At araw araw yun walang palya, binebenta nya rin ang mga gamit nila Mama ng wala man lang paalam.

"Tita ko yon, kapatid ng Papa ko. Pero apaka layo ng ugali sa tatay ko, kung anong binait ng Papa ko yun naman kinasama ng ugali ng Tita ko." pagkwento ko pa sa kanya bahagya itong tumawa at humigop ng kape niya.

Vacation ft. Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon