7:28 am
THIRD PERSON
Madilim na ng muling paandarin ang yacht sa dagat ng Calatagan.
'Stay at home or find a safe place to stay, binabalaan namin lahat ng mga mamayan. Wala pang nahahanap na paraan sa epidemyang pinagdaraanan ng ating bansa. Manatili tayong ligtas----' pinatay na ni Dlaire ang kanyange cellphone at pumasok na sa lobby.
Kasalukuyang naguusap sina Maddie, Veronica, Johanna at Isabella sa kung anong lulutuin nila na makakain ngayong gabi maliban sa instant noodles at canned foods.
"Wala parin silang nahahanap na paraan?" napailing nalang si Dlaire at tumabi kay Maddie.
"Aray Veronica dahandahan lang masakiit!" halos mangiyak-ngiyak na sa natamong pasa si Nicole habang hinihilot siya ni Veronica.
"Hindi naman kase ako marunong maghilot, sabi ko nga sayo kanina Nics babanyosan lang kita hindi hihilutin."
"Bat kase napaka sensitive ng dambuhalang zombie na yun." pagmamaktol pa nito na ikina iling nalang ni Veronica.
Dala ng pagod ay nauna na si Dlaire sa paglatag ng higaan sa tabi ni Johanna. Nang makalatag na ito ay nagsihiga naman ang mga ito.
"Ay ang galing! Ako naglatag kayo nakinabang." sarkastiko itong pumalakpak kaya binato siya ni Nicole ng unan na agad niya namang nasalo.
Walang pasabi ay hinigaan niya ang mga ito.
"Aray Laireng yung dede ko! Wala na ngang laman inipit mo paaa!" nagtawanan lang ang mga ito sa sinabi ni Johanna.
Napuno ng reklamo ang mga ito ng hindi parin umalis si Dlaire sa ibabaw nila.
"Teka ano nga bang uulamin natin?" pagiiba nito ng usapan at umayos ng higa.
"Tinola, Bulalo, Seafood?" - Johanna.
"Ay bet ko Bulalo." takam na sabi ni Nicole at inayos ang kaniyang damit.
"Lalo na kapag may mais tas maulan ulam, hmmm sarap!" paggatong pa ni Maddie.
"Teka luluto lang ako!" wika ni Johanna at tumayo na at nagtungo sa isang gilid na ginawa nilang kusikusina.
Habang nakahiga si Dlaire ay dama niya ang pagod at sakit ng katawan niya kaya ipinikit niya nalang ang kaniyang mata at hinayaang lamunin siya ng antok.
"Ano nalinis niyo na ba?" nandidiring tanong ni Nicole kay Liam na halatang pagod na pagod sa pagkukuskos ng mga dugong nagkalat dahil sa pagatake ng mga zombie kanina.
"Patapos na madumb teka kang, iinom lang ako tubig."
"Ano kamo madumb!?" hindi na kumibo si Liam at dali daling ininom ang tubig at tumaripas palabas ng lobby.
"Uy baka may bumabalik na tamis jan sa gilid, ang daming langgam eh!" pang aasar pa ni Veronica at tinapik tapik ang kaniyang hita at nakukunwaring nagkakamot.
Binato naman ito ng unan ni Nicole. "No more, saka wala akong oras sa kilig kilig, mamatay lang ako jan."
"Heh yeah, it's either mamatay ka sa kagat ng zombie or mamatay ka sa sakit nito." pang aasar pa ni Maddie habang tinuturo turo ang kaniyang dibdib.
BINABASA MO ANG
Vacation ft. Zombie Apocalypse
Fiksi Remaja"Dalawang araw na galaan. Hindi ko inasahang magiging dalawang linggo" TFT Book 1 Only updates pagsinisipag °w°