THIRD PERSON
Naunang nakarating si Jackson at Liam sa yate at hindi mawala sa kanilang mukha ang takot at pangamba dahil nakita at nadatnan nila sa daungan.
They didn't even roamed enough to know more about the place. At kung papanong hindi nila natulungan si Dlaire habang hinihila siya ng zombie.
"Napano na kaya si Dlaire at Gino?, nakatakas kaya sila?" Hindi mapakaling tanong ni Liam na mas lalong nagpabigat ng loob ni Jackson.
"Tang*na dapat tinulungan muna natin sila bago tayo magpaharurot papunta dito." Liam hysterically said.
"Liam? Jackson? Asan si Dlaire at Gino?" Nagaalalang tanong ni Veronica nang makitang hindi nila kasama ang dalawa.
Sumunod na bumaba ay sila Maddie at Nicole kasama ang ibang tao sa yate.
"Liam ano ba sagot!?" naiiritang sabi ni Veronica.
"Hindi ko alam Veronica huling kita namin sa kanila ay hinihila pabalik si Dlaire ng zombie, hindi namin sila matulun-'ayos lang, buhay naman kami.'" napatigil sa pagsasalita si Liam ng makita si Dlaire na may dungis ng dugo sa damit at mukha.
Nang magtagpo ang mata ni Jackson at Dlaire ay nginitian nya lang ito.
"Aakyat muna ako at magbibihis, may dapat kayong malaman." Wika ni Dlaire at inihawi ang mga kasama nito sa yate upang makapunta sa kanilang tinutulugan para makapagbihis.
Walang salita ay sinundan ni Jackson si Dlaire ng may pagsisi sa mukha nito.
"Kuya Gino ayos ka lang ba?" Nagaalalang tanong ni Isabella sa pinsan nito.
"Okay lang ako, pero si Dlaire... si Dlaire ang tanungin nyo. Siya ang nakipagharap harapan sa mga zombie na nagtangkang kainin kami." sabi nito at ibinalik sa lagayan ang mga jetski.
Walang ni isa sa kanila ang makakibo. Lahat sila ay tulala at tila ba walang masabi sa isa't isa tila ba nawalan na sila ng pag asa. Sabay nilang tinahak ang cabin.
At naiwang nagiisip si Gino sa baba habang isinisirado ang gate ng yate. Sinigurado nya itong nakalock bago sumunod sa mga kasamahan nito.
Naabutan ni Jackson si Dlaire na nakatulala lang sa kawalan at iniisip ang nangyare kanina.
Mas lalo nyang naiisip ang iniwang sulat ng mama niya. Kung may halaga pa ba para hanapin ang kanyang lolo sa ganitong kundisyon. Tila ba nawalan na syang pagasa sa mga mangyayare pa sa buhay.
"Dlaire..." lumapit si Jackson at niyakap ito mula sa likuran, hinayaan lang ito ni Dlaire na tila ba wala itong pakialam sa ginawang iyon ni Jackson.
Walang kilig, walang tuwa siyang naramdaman, it was like nothing.
'Hindi pwedeng unahin ko ang sarili ko. I'm not alone in this survival. I have them, my friends. And sila muna ang iisipin ko. Saka ko nalang uunahin sarili ko.' - Dlaire
"Jackson, doon ka muna samahan mo sila baka napano na ang mga yon sa kaiisip." Pagtaboy ni Dlaire kay Jackson ngunit para itong walang narinig at mas niyakap pa si Dlaire.
"Dlaire sorry jung hindi ka namin matulungan, sorry if w-'Jackson okay lang, wala kang kasalanan hindi mo kailangang magsorry.'" dahan-dahang inalis ni Dlaire ang mga kamay ni Jackson at hinarap ito.
"No Dlaire, may nagawa sana ako." Nanlulumong sabi nito.
Hindi na nagsalita si Dlaire at niyakap nalang ang lalaki.
"Tapos na Jackson buhay naman akoara na sa taas, naghihintay ang mga kaibigan natin. We need to be strong at this situation Jackson, it's life or death." Sabi nito humiwalay sa yakap ni Jackson. Hinubad ni Dlaire ang suot nitong blazer at tumambad kay Jackson ang sandamakmak na peklat sa likod na lumalabas sa sandong suot ni Dlaire.
BINABASA MO ANG
Vacation ft. Zombie Apocalypse
Ficção Adolescente"Dalawang araw na galaan. Hindi ko inasahang magiging dalawang linggo" TFT Book 1 Only updates pagsinisipag °w°