DAY THREE (1)

16 4 2
                                    

Muli kaming napatango matapos namin muling mapagusapan kung ano ang mga kakailanganin namin, may ilan kaming idinagdag sa listahan at hindi ito pwedeng mawala sa kukunin namin.

"Wag na wag niyo kakalimutan ang facemask, sabon at alcohol! T*ngina apaka baho!" Singhal pa ni Patrick at muling dumura.

Natawa nalang kami sa reaksyon nito. Ang tanong kakayanin ba ng mask ang baho ng mga bangkay?

"Magiingat kayo ha, aantayin namin kayo ni Isabella dito." niyakap ko si Maddie at sunod sunod na nagsiyakap ang mga kaibigan.

Who would know that our relaxation would meet chaos and our vacation would turn into a fight for survival.

"Okay, handa na ba kayo? baba na tayo." seryosong sabi ni Travis at isinilid ang espadang pinupunasan nito. Tumayo siya at sumakay na sa bangka, nahati kami sa dalawang grupo.

Ilang minuto lang ay dumating na kami sa daungan, mas lalong nanuot ang baho mula sa mga inuuod na katawan. Ilang lakad pa ay napansin namin ang mga nagkumpulan na mga zombie kanina sa may stasyon kung saan tumugtog ang Batangas hymn.

"Nanaas balahibo ko the more natitigan ko sila." bulong ni Travis sa tabi ko. Bahagyang panapalingon sa amin ang isang zombie wala itong mata ngunit punong puno ito ng mga uod.

Bahagyang napaimpit si Johanna na nasa likuran ko. Napaatras kami ng bahagya ng humakbang ito papalapit sa amin at tilaba may hinahanap siyang hindi niya makita.

"Dahan dahan lang kayo, we need to get what we need. Let's not waste time standing here." Travis said and hinawakan ako sa braso. Nilingon ko ang mga kasama kong naiwan at nagtungo na sa kung saan.

Magiingat kayo, dasal ko ang kaligtasan nyo.

THIRD PERSON

Naunang makarating ang grupo ni Veronica sa kanilang destinasyon. Agad nilang pinailaw ang kanilang dalang flashlight nang makapasok na sila sa loob ng convenient store, they checked every alley and spotted ten zombies having a feast in the meat section yet all they eat are just coming out from thier open stomach.

Nandiri at napaduwal si Johanna, naging alerto ang mga zombie dahil sa tunog na nalikha ni Johanna.

Walang pagaatubili ay sinugod ni Veronica ang zombie na nakarinig kay Johanna. Sumunod na umatake si Kizuro at Nicholas.

Tahimik nilang napatay ang mga zombie na kanina lang ay nagkakaroon ng pagsasalo sa meat section ngayon ay wala na itong mga ulo.

Maingay na hinarangan ni Johanna ng karton ang entrance at ibinaba ang mga blinds ng bintana at pintuan upang buksan ang ilaw.

"F*ck." nandidiring wika ni Nicholas nang makita na nakaapak siya sa laman na tumalsik mula sa katawan ng zombie.

Hindi mapigilang natulala ni Johanna nang makita niya ang batang nakabulagta sa tabi niya, mukhang nagtago ito umaasang may magliligtas ngunit nakain na lamang ang kalahati ng mukha nya wala parong dumadating na saklolo para sa kaniya.

Maluha-luhang ibinaba ni Johanna ang pilik mata ng bata at inihiga ito ng maayos.

"Rest in peace kiddo, you did great." Tumayo na siya at pumunta sa pwesto nila Veronica upang tulungan na ang mga ito sa pagkuha ng mga pangangailan nila.

Si Nicholas naman ang nag asikaso sa paglalagay sa karton.

"Parang hindi na ata kakasya ang karton na andito para sa mga kukunin natin." ani ni Nocholas nang matapos nyang ilagay sa karton ang mga nakuha nila mula sa convenient store, halos makalahati na nila sa lag kuha ang mga pagkain at gamit na pwede pa nilang mapakinabangan.

Vacation ft. Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon