DAY TWO

20 7 9
                                    

March 24 20** 1:23 am

Malalim na ang gabi at nandito pa rin ako sa tabi ng dalampasigan nakatanaw sa kawalan ng kalangitan. 

Ilang buwan rin akong nakakulong sa bahay.

Akala ko di na ako makakalabas pa doon. Well, akala ko lang naman. Heto ako ngayon at nagsasaya kasama ang mga happiness ko.

Naglakad lakad nalang ako sa dalampasigan hanggang sa dalawin ako ng antok pero ilang beses na akong nag pabalik balik sa paglalakad ay hindi pa rin ako dinadalaw.

Kamusta na kaya sila mama? Masaya na ba sila? Sana lahat masaya. Natatawa na lang ako sa mga pinagtatanong ko sa buwan.

'Go to your Anpha my dear. After you graduate leave all your burden here in the Philippines, live for us.'

That was the last paragraph of the letter from my mother na inipit niya sa pinaka ilalim ng damit ko, halatang matagal na ito itinago ni mama, siguro nung nagaaway pa sila ni papa ay isinulat niya na iyon. Marami pang ibang nakasulat sa letter na yun na hindi ko na matandaan.

Ang sentence nalang na iyan ang naalala ko mula doon. Nung nakaraang araw ko lang ito na basa kaya naman grabe ang emosyong nararamdaman ko. Ang hirap mawalan ng ina, ang hirap mawalan ng taong iintindihin at nagbibigay ng lahat na walang kapalit.

Sa kakaisip ko sa sulat na iniwan sa akin ni Mama ay lalo ko lang silang namimiss ni Papa. Sana hindi nalang sila tumuloy sa meeting nung araw na yun, kung sana buhay pa siguro sila ngayon. Sana hindi ako inaalipusta ng mga kapatid ni Papa.

At ang huling sana ko, ay sana mahanap ko si Anpha, hindi ko alam kung saan ko hahagilapin ang lolo ko. Ang alam ko lang ay wala sya dito sa Pilipinas fahil ayun ang nakalakip sa sulat na iniwan ni mama. 

"Uy Aire, lalim ata ng iniisip mo ah, ayos ka lang?" 

Hindi ako ayos, hindi pa ako ayos, hindi na ata ako magiging maayos. For all the thing that destiny played on my life, wala na ata akong pag asang maging maayos. It's getting much worse than its worst state.

Umupo sya sa tabi ko at sinabayan ako sa pag titig sa karagatan. 

"Mahirap pigilin yan..."

"Ayos lang namang umiyak e. Di naman nun pinapakita na suko ka na. Pinapakita lang non na pagod ka na." lalo akong napaluha sa sinabi nya sakin. He's always like this, for 8 years he was my handkerchief silang dalawa ni Travis, kahit palagi nila akong binubwiset at inaasar they're still here pagpakiramdam kong pinagsasakluban ako ng langit at lupa.

I hugged Danyel, and he hugged me back. Hinayaan ko nalang lumuha ng lumuha ang mga mata ko. I can't hold it anymore andami ng nangyayari sa buhay ko. Gulong gulo na ako sa kakaisip kung pano ko pa ikekeep up ang sarili ko.

DANYEL

She's tired from everything. Halata sa kilos nya nitong mga nakaraang buwan. She's not as numb as everybody thought, she's just making herself tough enough to fight .

"Nyel, hindi ko na alam kung saan ako pupunta pag alis natin dito sa isla." I just smiled at her and brushes her hair.

"Andito lang kami, kung lalayas ka sa bahay mo andami mong choices kung kanino ka makikitira. Nandito kami, si Travis at ako. Wag mo munang isipin yun. Magpakasaya muna tayo, enjoy the present of the day." Hindi ito sumagot at mas lalo lang itong humikbi.

"Hoy, wag ka nga masyadong maingay jan. Baka akalain nilang pinapaiyak kita." sabi ko pa at inabutan sya ng panyo.

"Salamat." Nanluluha niyang sabi pa sa akin. Ginulo ko nalang ang buhok niya saka isinandal ang ulo ni Dlaire sa balikat ko. At nagpatuloy lang ang pagiyak njya sa balikat ko. Tumitig nalang ako sa dagat it's really calming lalo na kapag malamig ang simoy ng hangin.

Vacation ft. Zombie ApocalypseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon