19. Bara y Bara

2 0 0
                                    


Subukan mong magtapon ng

basura sa malawak na

Karagatan.

Magtapon ka,

sige, magtapon ka,

isa,

dalawa,

tatlo—

hanggang sa

pagmulat ng mga

mata mo

sa umaga'y

napatalon ka sa

nalaman at

nakita mong

nagbubundok na

basura sa tapat ng iyong

magagarang bakod

na yari

sa pekeng ginto

na nakatayo sa malawak

na umaawit na

baybayin.


© Wayne, 2015

Wayne on Foot (Poetry)Where stories live. Discover now