25. Tsismosa

2 0 0
                                    

Kay linaw ng mga yabag ng mga labi'ng

may detergent powder na nakadikit

sa bibig ng labanderang nakatitig

sa magagarang kasuotan ng kapitbahay

na kumukumplementa

sa kutis na 'sing kinis

ng kumikinang na perlas.

Mga mata'y halos hindi pumipitik

sa katitig simula ulo hangga't sa dulo ng mga paa.

Mga kumukurba'ng kilay na halos

maiipinta at maiguguhit ang pinakamataas

na bumdok ng Pilipinas at

ang mala-kuwebang butas ng ilong na

madaling makakadakip sa

mga balita'ng kalye

na naipapasa galing

sa isang kamay patungo

sa iba.


©Wayne, 2015 

Wayne on Foot (Poetry)Where stories live. Discover now