Ibig kita'ng subuin
sa nagliliyab kong mga labi;
durugin sa mga matatalas na ngipin;
lunukin sa nagtitigasang lalamunan
pero
ang tinik sa bawat detalye ng iyong mala-espaltong mukha;
at ang nagpapaklaang lasa ng iyong balat
ay
ang pinakamahirap tanggapin sa nagtitigasang kong dila
na wary'y nagsasabi'ng
"hangga't kaya ko'y iluluwa kita at hindi na
Papapasukin sa loob ng tiyan."
©Wayne, 2015

YOU ARE READING
Wayne on Foot (Poetry)
PuisiWayne on Foot is a compilation of the wild and vivid images of the author, put into writing in order for the readers feel and imagine the wonders of being an optimist person. See contents inside! A. Poetry (English, Filipino, Cebuano) B. Quotations...