23. Ano ang maipinta ng mga puno?

3 0 0
                                    


Pagkatapos ng ilang dekadang pagpapakabuhay

at pagkikimkim ng mga sikreto ng mga tao sa

namamalat na mundo—kagaya ng berdeng ahas

na nagpapalit ng balat sa tapat ng tinik na kawayan—,

Kami ay walang-awang pinaslang ng mga illegal loggers

na walang pakialam sa kapahamakan ng kapaligiran.

Sa kabutihang palad, habang may tumatayong punong-kahoy,

may mga binhi pa rin na magrereserba sa maitim na kasaysayan;

may mga binhi pa rin na magpapatuloy sa paghawak ng katotohanan.

Kung kami ay binigyan ng bibig ng ating Poon,

siguradong maiibigay namin ang katotohanang hinahanap

ng sangkatauhan at nang sa ganu'n ay makukuha

at mayayakap nila ang hustisya sa likod ng

malubog at maputik na daanan

patungo sa bagong kabihasnan.


©Wayne, 2015

Wayne on Foot (Poetry)Where stories live. Discover now