Magalit ka man sa akin
ay hindi ako mawawala sa iyong paningin.
Saktan mo ako't masasaktan ka rin.
Saan ka man pupunta't ako'y andun pa rin—
paunahan man o pahuliha'y di ka mananalo sa akin
at ako'y di mananalo sa iyo kahit tawirin
man ang pinakamalawak na lupain ni Mang Tirin.
Sapagka't ika'y walang pinagkaiba sa akin
kahit multo man ako sa iyong paningin.
Talikuran mo ako't ika'y aking harapin—
saan man tayo dadalhin
sa taong nagdadala sa atin.
© Wayne, 2015
YOU ARE READING
Wayne on Foot (Poetry)
PuisiWayne on Foot is a compilation of the wild and vivid images of the author, put into writing in order for the readers feel and imagine the wonders of being an optimist person. See contents inside! A. Poetry (English, Filipino, Cebuano) B. Quotations...