Sign: Talk about standards

13 0 0
                                    

Ilang linggo narin ang nakalipas at wala pa rin namang pag'babago. Well, not that I expect something from an idol but, yeah! I still do.

Ilang linggo ko na rin namang pinag-isipan ang mga bagay bagay. Panu ba naman, eh halos every day ipamukha sakin nang magpinsan na to na mamamatay lang ako kaka'fangirl forever at masasawing single.

Yung isa kala mo naman hindi din nababaliw sa EXO. Ang totoo nga nyan sya pa yung naghikayat sakin na tangkilikin yung grupong yun kahit nung una ayaw ko pa, tapus heto? Ako pa daw ang obsessed? Hay ewan!

"Hoy girl! Ano nga palang nangyari nung party ko at parang hanggang ngayon lumalala na masyado ang iringan nyo nang pinsan ko?" Biglang tanong ni Trina na ikinagulat ko. Eh kasi naman, halos mag-iisang buwan na yung party pero ngayon lang talaga nya naisipan tanungin ako sa mga nangyari.

The whole week and last para kaming aso't pusa ni Ten. Sya, as usual eh on sa kakaasar sakin at ako naman palaging sinasapak sya na dati naman eh kahit dampi sa kamay eh di ko ginagawa. Ewan ko ba, pero nasobrahan na ata ang pagkapikon ko sa kanya lalo na nung ipamukha nya saking pangit ako.

"Pagsabihan mo yang pinsan 'mong halimaw! Sukat tawagin ba naman akong pangit?! Eh di sya na gwapo!"

"Wow! Inamin mo rin sa wakas!" Biglang sigaw nang lalaking nakapamulsa at parang modelong naglalakad na papalapit sa amin.Sino pa nga ba? Eh di sya na!

Pinanliitan ko sya nang mata at tumawa lang sya habang iniurong ang upuan na sa mismong harap ko at naupo doon. Itinukod nya ang dalawa nyang kamay sa chin nito at nang-aasar na tinignan ako'ng nakangisi.

"What the hell you want from me Mr. Lee?!" Medyo napalakas na tanong ko, sama mo pa ang mura.

"Relax babe..just check'n you. Alam mo namang namimiss kita pag di kita makita in an hour." Sabi nya at kumindat pa. Sarap tinidorin ang gago, at yun nga inakma 'kong gawin yun pero nakailag sya.

"Woa~ hey! I think I should leave you two. Ano ba yan! LQ na naman kayo. Fix that couz..wala sa mga Lee ang trouble when it comes to relationships." Sabi ni Trina sabay kindat sa pinsan nya, yung kindat na gayang gaya nang kanya.

"Alam nyo kayong dalawa mag'sama nalang kayo. Ewan ko sa inyo!" Sigaw ko at kinuha na ang bag ko at akmang aalis nang tawagin nila ako.

"Jenna..Were sorry okay? But hope you get our words seriously. Hindi lang pang'aasar, it has the truth on it. Quit fangirling girl. I assure you, it would be lot easier if you search for Mr. Right on your corners, not in heavens."

Napalingon ako kay Trina. Seryoso sya pero ang kasama nya nang-aasar na nakatingin sakin, on with that smirk.

Napabuntong hininga nalang ako at tuluyan nang tumalikod sa kanila. Siguro nga tama sila. Mahirap maghanap kay Mr. Right lalo na't yung tipong di ko kayang abutin. Si Sehun, di kayang abutin. Should I quit na ba?

---

"Lord, should I quit na ba? Quit na ba talaga? Kasi naman eh! Wala na talaga. No chance na ba?" Nagmamaktol pa na daing ko sa kanya habang nakadaop ang mga palad at nakapikit.

"Ano bang gagawin ko? 20 years old na ako pero wala parin? Lord..give me signs naman po. Gusto ko na pong maranasan magka'lovelife.."

Krriinngg...kkrriinngg..

Biglang ring nang cellphone ko. Isturbo naman to kung sino man!

Dinampot ko ang cellphone ko at tinignan ang caller, si Trina.

"What do you want?" May pagkainis na sagot ko na ikinabaling naman nang atensyon nang matandang katabi ko. Ngumisi nalang ako sa kanya bilang paumanhin, napakarude ko yata. Sa simbahan pa naman ako.

All About SignsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon