Ilang araw na akong parang praning na palinga linga sa paligid tuwing papasok, lilipat nang room o lalabas nang school. Kung bakit? Eh di syempre sa kahihiyang dinanas ko nung acquaintance.
Kung mamalasin nga naman diba? Ba't di ko chineck maigi ang damit na ibinigay nya. Ayan tuloy, puro tukso at panlalait ang inabot ko.
Tukso nang mga malalapit naming kaibigan. Lait, nang mga ambisyosang babaeng gustong solohin si Ten at ang mga fans club nya. Isama mo pa ang pinakamalditang si Cheska na syang pinuno nang anti-fan namin. Kala mo naman aagawin ko si Ten sa kanya. Eh di kanya na! Saksak nya sa silicon-filled nyang boobs! Hmp!
"Pst!" Tawag nang kung sino man sa likuran ko. Di ko na pinansin, baka si Ten na naman yun at iniiwasan ko nga pala yung isang yun nang di na lumala ang tsismis.
"Jenna!" Tawag nya sa pangalan ko at nang marinig ko ang boses na yun eh di na ako nagdalawang isip pa at nilingon na sya.
"Jay!"
"Oh! Ba't nandito ka? My meeting ngayon para sa sports fest diba? Tara na, sabay na tayo!" Yaya nya at hinila ako na napatianod naman nang sumunod sa kanya.
Simula nang mangyari ang eksenang yun sa acquaintance party mas naging close na sakin si Jay na di ko naman alam kung bakit. Pero aminado ako'ng nagugustuhan ko narin naman ang company nya pagka't napakabait nya at enjoy kasama.
Nakakasabay ko narin sya magsimba at minsan pa nga eh nagkikita pa kami nang lola nya.
"Tara, dun tayo." Hila nya sakin at umupo sa bandang taas nang bleachers sa loob nang school gym.
"Teka, screening din ba ngayon nang basketball?" Tanong ko nang mapansin ang grupo nila Ten na nakabihis jersey.
"Ah! Oo, sasali nga pala ako. Gusto mong manood mamaya?" Tanong nya sabay hopeful na ngiti.
"Ah! Sige bah!" Sagot ko at mas lalong lumawak ang ngiti nya.
Bukod sa pagiging close sakin ni Jay, kapansin-pansin din ang pagbago nang ugali nya. Hindi na sya mahiyain gaya nang dati though jan parin naman ang mannerism nya na pagkamot nang ulo tuwing nahihiya or na'aw-awkwardan sa mga pangyayari. Madaldal na rin sya na isa rin sa nagustuhan ko.
"Great! Gagalingan ko talaga para this year, kahit pang last year na eh makapag'laro din ako. Matagal ko na kasing gustong sumali sa team. Kaso di ako makapasa kay Lujin." Malungkot na sabi nya.
"This year sigurado na yan. Hayaan mo. Ichi-cheer talaga kita!" Sabi ko at napangiti naman sya.
Nagsimula na ang meeting at time naman for their basketball screening, pati na rin ang pagpili nang bagong captain ball. Grumaduate na kasi si kuya Lujin na dating captain nila.
"Ten, since ikaw ang MVP last year I will choose you as the captain." Sabi nang coach nila at napatingin naman ako sa gawi ni Ten na kaharutan ang grupo nang mga cheering squad.
Nga pala, di pa nya ako napapansin simula kanina. Sobrang busy makipagharutan eh! Kainis! Wait? Ba't ba ako naiinis? Bahala sya kung makipaglampungan man sya jan noh! Itsura neto!
"Jenna. Ba't nakasimangot ka?" Tanong ni Jay na ikinabaling naman nang atensyon ko sa kanya. Shet! Nakasimangot ba talaga ako habang tinititigan si Ten na nakikipaglandian sa iba? Please tell me HINDI!?
"Ah! Wala lang. Medyo masilaw lang. Natatamaan na kasi tayo nang araw. Baba tayo kunti?" Dahilan ko at tumango naman sya at binitbit ang bag ko para lumipat sa pinakababang parte nang bleachers. Level kela Ten kaya sa wakas eh nakita na nya ako.
Bigla naman nag-iba ang expression nya. Kung kanina eh todo tawa at ngiti, ngayon sumeryoso naman habang nakatitig samin ni Jay. Anong nakain nun?
BINABASA MO ANG
All About Signs
FanfictionSabi nila, malalaman mo kung para sayo ang isang tao kung merong signs ka na nakikita sa kanya. Signs ba kamo? Marami ako nun, kaso di naman ata ipinakita. Kasi naman ateng! Artista ang papa! Pero alam nyo ba? Nagkatotoo lahat yun! Kung kanino? Idi...
