8:00 AM na nang makarating kami nang airport sa probinsya at mula doon eh nagbyahe na naman kami nang halos dalawang oras papuntang port kung saan itatawid kami papuntang isla. At matapos ang mahabang journey na iyon, heto na ako, nakahandusay sa kama sa sobrang pagod.
"Jenna! Labas!" Kalabog nang lalaking isinusumpa ko na talaga ngayon. Hanggang dito ba naman? Ayaw akong tantanan??
Halos di na nga ako makapag'pahinga sa byahe kanina dahil sa kakaisturbo nya. Akalain mo ba namang kulitin ako buong byahe, paglaruan ang buhok ko, pasakan nang earphones ang tenga ko para pakinggan ang pagkanta nyang makabasag eardrums, sumandal sakin na halos lugmukin na katawan ko sa bigat nya at kung ano-ano pa! Now tell me? Nakapagpahinga ba ako?
"Ano ba Ten! Pagpahingahin mo naman ako! Parang awa mo na! Kakabwisit ka talaga!" Sigaw ko pero di parin natinag ang loko at nabuksan pa ang pinto.
God! May mas lalala pa ba sa ugali neto? Kung makapag'envade nang privacy, wagas!
"Bangon na! May pupuntahan tayo!" Sabi nya sabay salampak sa kama ko at para naman ako'ng ewan na napatalon at bumangon agad. Kung bakit? Hello? Ang awkward kaya?! Tatabihan nya ako sa kama, ang manyak talaga!
"Wow! Bilis ah! Tara na!" Sabi nya at natatawa pa nang hinila ako palabas nang kwarto.
"Ano ba Ten! Pagod ako! Pagpahingahin mo naman ako!" Singhal ko habang nagpupumiglas sa pagkahawak nya.
"Basta! Sumama ka nalang. Masaya 'to!" Sabi nya habang hila-hila parin ang kamay ko, at yun nga, matapos ang mahabang hilahan nandito kami ngayon sa front beach at niyayaya ako'ng sumampa sa bike nya.
"Ayaw ko! Baka mahulog pa ako jan!" Todo tanggi ko, sya naman todo simangot.
"Tara na kasi! Sandali lang naman. Tsaka mamaya busy na tayo." Pangungulit nya.
"Eh ikaw nalang kasi! Ba't mo ba gusto akong isama?!"
"May ipapakita nga ako sayo. Sige na? Di natin napuntahan last time yun eh!" Pilit nya.
"Hay! Basta last na to ah? Magpapahinga na ako kaya tantanan mo na ako after this!" Sabi ko at para namang batang tango nang tango ang loko with malawak na ngiti.
Umangkas ako sa likuran na upuan nang bike nya at kumapit nang mahigpit dito. Lumingon naman sya nang mapansin na di ako humawak sa kanya.
"Kapit ka sa bewang ko. Baka mahulog ka." Sabi nya pero di ko ginawa. Hello? Awkward kaya?!
"Hindi na! Keri ko naman magbalance. Tsaka baka sabihin mo chansing na naman!" Sabi ko sabay irap. Tumawa naman sya at hinablot ang dalawa 'kong kamay saka pinulupot sa bewang nya.
"Ano ba Ten!" Sabi ko sabay bawi sa kamay ko.
"Wag na kasing mag'inarte. Mamaya mahulog ka ako pa sisihin mo." Sabi nya kaya pinabayaan ko nalang at medyo niluwagan ang paghawak sa bewang nya, ngunit nung madaan kami sa medyo lubak na part nang kalsada, na parang sinadya naman nya eh napakapit ako nang mahigpit sa kanya. Di lang kapit. As in yakap na! At ang walang hiya, tawa pa nang tawa!
"Sinadya mo yun noh?" Sigaw ko sa kanya pero tawa lang ang sinagot nya.
"Kapit lang, pababa tayo medyo mabilis to!"
"H-Ha?" Tanong ko at humilig paharap dahil di ko nagets ang sinabi nya kaya nang biglang umarangkada sa bandang pababa ang bisekleta ay na'out of balance sya.
"AHHHH!!!" Sigaw ko habang hinihintay ang pagbagsak namin.
Yung feeling na parang katapusan na nang mundo? Yung tipong parang ending na nang buhay mo? Yung expect mo na sa kalsada susubsob ang mukha mo? Yung alam mo na na eto na ang sisira sa pinakaingatingatan mong mukha?
BINABASA MO ANG
All About Signs
Fiksi PenggemarSabi nila, malalaman mo kung para sayo ang isang tao kung merong signs ka na nakikita sa kanya. Signs ba kamo? Marami ako nun, kaso di naman ata ipinakita. Kasi naman ateng! Artista ang papa! Pero alam nyo ba? Nagkatotoo lahat yun! Kung kanino? Idi...
