"Ang ganda mo talaga bestie! Naku! Naku! Naku! Siguradong ma'iinlove sayo ang Captain at ang MVP neto! Isama mo pa ang mga myembro nang teams saka ang gurang na coach!" Tili ni Trina.
"What?!" Singhap ko naman at napahalakhak sya.
"Joke lang! Si Ten at Jay lang!" Bawi nya at tumawa ulit.
Gaga talaga! On na on sya sa kakaasar sakin ah! Pasalamat sya di ako makatayo para kutusan sya. Kasalukuyan kasing inaayusan ako para sa victory ball at pageant ngayon.
Kung tatanungin nyo ako kung ano ang feeling? Well, ang masasabi ko, sobra akong kinakabahan. As in yung tipong end of the world na? Choss! Masyado namang exaj!
Di, naguguluhan lang kasi ako. Kahit hanggang ngayon kasi di ako makapaniwala na si Jay ang nanalong MVP, na hiningi ko talagang sign ha?
Ewan ko ba, ba't parang di ako makapiwala..I mean, parang di ako masaya? Pero bakit? Hay, ewan!
"Jenna! Ready ka na? Magsisimula na ang pageant maya-maya." Tawag nang isang staff nang pageant.
"Ah! Oo! Tapos na ba?" Sagot sa staff sabay tanong sa baklang nag'ayos sa akin.
"Okay na girl. Super pretty!" Sabi naman nya at nagpasalamat naman ako sa kanya bago umalis.
Pinapawisan ako na nilalamig, na di ko maintindihan. Basta! Napa-praning ako. Hindi kasi ako sanay sa ganito. Lumaki kasi akong ordinaryong dalaga lang gaya nang iba na di masyado ine-expose ang tagong kagandahan sa madla. Lol XD
"Oi! Para ka namang bibitayin jan?" Puna ni Trina na sumulpot lang sa tabi ko. May pagka-kabute kasi ang isang to eh.
"Kinakabahan kasi ako. Alam mo namang di ako sanay noh! Kainis kasi yang pinsan mo! Speaking, nasaan na ba sya nang makutusan ko?" Tanong ko at sinuyod nang tingin ang buong hall baka sakaling masulyapan sya pero wala.
"Nasa hospital pa sila. Baka nga di makapunta yun. Medyo seryoso kasi ang injury nya. Kelangan masuri nang mga doktor." Sagot ni Trina. Nagkibit balikat nalang ako though nag-aalala na rin kung ano na ang nangyayari sa kanya. Pero kagustuhan nya to, kaya bahala sya.
Naupo nalang ako at hinintay na magsimula na ang program. Bahala sya kung di sya makapunta, mabuti nga yun walang mambubwisit sakin. Isa pa, may glass dance kami, kaya pag di sya makapunta, eh di masaya!
Wait! Glass dance? Hmmm...another sign ba? Pero di pa ako nakakarecover sa 4th sign na yun eh? Pero...ano ba? Okay ba?
Pero iba to eh! Magandang pagkakataon to para matest kung si Ten ba talaga o hindi.
Sige na nga! Kung di talaga si Ten para sakin eto na! Sign #5: My Last Dance. Eto na! Naset ko na, at kung di talaga sya makapunta, eh di wala na!
"Good evening ladies and gentlemen. Welcome to the yearly victory ball party of YunHan University. And to start with..let us all......bla bla bla.." sunod sunod na sabi nang emcee at matapos nga ang napakahabang speech nang school's president at iba pang pinuno nito ay nagsimula na ang rampahan na ikinakaba ko naman kasi di talaga ako sanay.
"And for the Titans team..Miss Jenna Chua!" Announce nung emcee at parang bibigay naman ang tuhod ko habang naglalakad palabas nang stage mula sa likod.
Ayon kay Trina, na di ko alam kung puring kaibigan lang ba o makatotohanan, lutang ang ganda ko sa napakagandang color blue na gown na suot ko. Hindi ko na iexplain ang itsura, di ako magaling sa description pagdating sa gowns eh! Basta mermaid style na dress sya, tapos!
Ingat na ingat akong naglakad at nagpaimpress sa mga judges na naroon. Bawat ikot ko ay sinigurado kung pulidong pulido para di madapa, baka mag'ala Meriam Quiambao ako sakali, kakahiya naman.
BINABASA MO ANG
All About Signs
Fiksi PenggemarSabi nila, malalaman mo kung para sayo ang isang tao kung merong signs ka na nakikita sa kanya. Signs ba kamo? Marami ako nun, kaso di naman ata ipinakita. Kasi naman ateng! Artista ang papa! Pero alam nyo ba? Nagkatotoo lahat yun! Kung kanino? Idi...
