"Lord..pwede po bang this time dinggin nyo naman ang panalangin ko? Hindi naman po iyon mahirap. Di rin naman masama. Di naman po ako pangit diba? Bakit hanggang ngayon wala parin? Ba't hanggang ngayon di parin kami nagkakatagpo? Pumunta na ako nag concert hanggang tingin lang. Binantayan ko sa backstage hanggang sulyap lang. Halos magpasagasa na ako sa van na sinasakyan nya para makita lang sya, pero wala parin. Ano po ba ang dapat ko'ng gawin?"
Halos nagmamakaawa na ako dito habang nakaluhod sa upuan nang simbahan. Linggo ngayon at natural talaga sa akin ang magsimba. Suki ako ni lord lalo na't matindi ang pangangailangan ko.
Matagal ko nang idinadaing ang problema 'kong to sa kanya at pati na rin ag paghingi nang signs. Akala ko nung una sign na yung kauna unahang concert nya pero hanggang nakabalik na ang EXO sa Korea eh never ko parin nalapitan si Sehun.
Nakipagdumugan ako sa airport mula pagdating hanggang pag-uwi nila. Ini-stalk sila sa hotel na tinutuluyan nila pati na rin ang patagong pag unwind nila sa Boracay na sinundan ko talaga kasama ang best friend 'kong si Trina at syempre, sino pa ba ang magfi-finance kundi si Ten na sumama narin sa kabaliwan namin.
Tumayo ako at kinapa sa bulsa ang kanina pang nagriring na cellphone ko. Si Trina, tumatawag. Ilang linggo na rin kaming di nagkita dahil busy ang senyorita kakagawa nang thesis nya.
"Ano na naman?" Pabalang na sagot ko.
"Good morning best friend. Gusto lang kitang imbetahin magsleep'over dito sa bahay. Wala kasi akong kasama. Out of the country na naman sina Daddy at Mommy. Pupunta din mamaya dito si Cheska at Renz. Party tayo girl para masaya!" Sabi nya at nagtitili pa.
Sus! Kung alam nyo lang, gusto lang makipaglandian sa boyfriend nyang si Renz, idamay pa ko sa sleep over nyang nalalaman.
"At kung ayaw ko?" Tanong ko na may halong pagkabagot. Wala kasi ako sa mood. Sa tono palang kasi nya may something mamaya eh.
"Di ko ibibigay sayo ang bagong album nang EXO. Sayang girl, si Sehun pa naman ang free postcard." Banta nya na halata namang may halong pang'aasar pa.
"Oh! Sige na! Basta yung album ha!" Sagot ko agad agad at tumawa naman sya. Kahit kelan talaga! Alam nang bruhang to ang kahinaan ko.
Ala sais na nang hapon nang magpaalam ako kela Mama at agad naman silang pumayag kasi nga close naman yung pamilya namin sa mga Lee na syang best friend ni papa mula high school pa.
"Asan kana girl? Gusto mo ipasundo pa kita?" Tawag nang excited na si Trina. Di talaga makapaghintay ano?
"Papunta na! Jusko naman Trina! Six palang kaya?" Sabi ko sabay tingin pa sa wrist watch ko.
"Bilisan mo nalang! May surpresa ako sayo! Dali!" Tili nya sa kabilang linya at bago pa ako mabingi ay pinutol ko na.
"Hoy! Ba't ang tagal mo?" Tanong nya na nakabusangot at nakahalukipkip sa pintuan nang malaking palasyo nila.
Gaya ni Ten, itong si Trina eh nag-iisang anak din nang mga Lee. Uso kasi sa kanila ang only child, mga intsik nga naman. Well, ako rin naman only child, may halong intsik din pero di gaano kayaman ang pamilya gaya nila. Haha..
"Pasensya na seniorita, natraffic eh!" Sabi ko sabay ngiti sa kanya. Nagroll eyes lang sya tapos hinila na ko papasok sa loob na nakangisi.
"Hey everyone! This is my best friend, Jenna!" Announce nya dun sa mga nag'iinuman. Hiya akong tumango sa kanila at kinilala sila isa isa.
Sa di kalayuan sa may sofa eh nakita ko si Ten na nakaupo at may kaakbay na babae, si Cheska, at katabi nun si Renz na pinsan nya, na boyfriend naman ni Trina.
BINABASA MO ANG
All About Signs
FanfictionSabi nila, malalaman mo kung para sayo ang isang tao kung merong signs ka na nakikita sa kanya. Signs ba kamo? Marami ako nun, kaso di naman ata ipinakita. Kasi naman ateng! Artista ang papa! Pero alam nyo ba? Nagkatotoo lahat yun! Kung kanino? Idi...