"Lord, heto na talaga. Final na ito. I won't force you to show signs in one particular person. Kayo nalang po ang bahala lord. I will let you show it to me in your ways. Kung ano po ang maibibigay nyo tatanggapin ko po. Pero...last hirit na lord! Pwede yung gwapo naman? Kahit di kasing gwapo ni Sehun basta yung di lang chaka. Ha? Please? I love you lord!"
Naupo ako matapos kung manalangin. Nakatitig lang ako dun sa altar at hinintay ang pagdating ni father Darren. Sya kasi ang magmimisa ngayon.
Kung di ako nagkakamali may something talaga sa kanila ni lola Sheena. The way they communicate at the way lola Sheena look at him from afar, di makakailang sya ang tinutukoy nang matanda na impossible dream nya.
Anyways, hindi naman masama yun kasi di nila ipinagpilitan. Tama si lola Sheena, may mga bagay talaga na di para sa atin at pag ipinagpilitan natin ito tayo lang ang masasaktan sa huli.
I also remember her words na di rin masama ang manghingi nang signs and that's what I'm doing now, working with signs na hindi ipinagpipilit sa isang idolo, in fact, open for anyone na itinakda talaga ni lord para sa akin.
Speaking of lola Sheena. Hindi ko na sya gaano nakikita. Nasaan na kaya sya?
"Oh! H-Hi Jenna..n-nandito ka pala!" Biglang bati nang lalaki sa likuran ko. Kakaupo lang din nya after manalangin. Gaya nang una ko syang nakita naka jeans lang sya at t-shirt at syempre with that thick rimmed glasses.
Ngumiti ako nang makita sya, si Jay nga pala, yung apo ni lola Sheena.
"Jay! Ikaw pala. Kamusta? Nasaan si lola?" Tanong ko.
"Ah..nagkasakit eh!" Sagot nya sabay kamot nang ulo. Napansin ko lang, may kuto ba ang lalaking to? Bakit lagi nalang nya kinakamot ang ulo nya?
"Ha? Ganun ba? San sya ngayon?" Nag-aalalang tanong ko.
"Sa bahay. Pero okay naman sya..nilagnat lang." Paliwanag nya na ikinapanatag ko naman.
"Mabuti naman." Ang nasagot ko at nanahimik na.
Tahimik lang kami hanggang sa nagsimula na ang misa. Nang mag-ama namin ay nilingat ko kung may katabi ako pero wala. Napatingin naman ako sa likuran ko at napansin 'kong nakatingin sakin si Jay. As usual, kinamot na naman nya ang ulo nya at nagulat ako nang lumipat sya nang upuan at tumabi sa akin.
"Okay lang ba?" Tanong nya at alangan na inabot ang kamay ko. Para naman ako'ng nakuryente nang maglapat ang mga kamay namin. Yun bang parang kinikiliti ang mga palad ko. Ang lambot kasi nang kamay nya. Parang di yata nagtatrabaho 'tong lalakeng to. Kahiya naman sa mala'papel de liha 'kong kamay! Haha
Hinayaan ko nalang sya at nagsimula nang kumanta.
"Pauwi ka na ba?" Tanong nya nang makalabas kami nang simbahan.
"Ahhmm..may dadaanan lang. Bakit?" Tanong ko.
"W-Wala naman. H-Hatid na kita?" alangan nyang tanong at nabigla naman ako dun. Teka!? Isa ito sa mga hiniling 'kong signs. Di kaya?
Napalingon ako sa simbahan. Eto na ba lord? Pero di kaya parang..
Ah! Basta! This is it na! I declare, may first sign will be 'Unang Hatid Sundo'. Now if he's the right guy for me, dapat bukas susunduin din nya ako, or even one of these days.
Okay ba Lord? Then deal!
"Okay lang ba Jenna?" Tanong nya ulit na ikinabalik nang ulirat ko.
"Ahmm...O-"
Krriinngg...Kkrriinnggg...
Nagring ang cellphone ko at agad ko naman kinuha iyon. Napangiwi naman ako nang makita kung sino ang caller. This time sinave ko na talaga ang number nya.
BINABASA MO ANG
All About Signs
FanficSabi nila, malalaman mo kung para sayo ang isang tao kung merong signs ka na nakikita sa kanya. Signs ba kamo? Marami ako nun, kaso di naman ata ipinakita. Kasi naman ateng! Artista ang papa! Pero alam nyo ba? Nagkatotoo lahat yun! Kung kanino? Idi...
