Sign: Call me desperate

13 1 0
                                        

"Oi! Ba't mukha ka namang nanakawan jan? Anong problema mo at kay aga ganyan na mukha mo?" Tanong ni Trina habang pumapapak nang paborito nyang fries. Sa canteen kami ngayon, kasalukuyang breaktime namin.

"Wala. Masama lang ang loob. Di mo parin kasi binibigay yung album." Sabi ko na pinaalala narin ang pinangako nyang album sakin kapalit nang pagpunta ko sa sleep over sa bahay nila.

"Ah! Yun ba? Naku naman, ba't di mo sinabi? Eto na oh! Matagal na to sakin, di ko lang mabigay kasi gusto ni Ten gawin pang'akit sayo para pumayag 'kang pumunta sa bahay." Sabi nya sabay abot sa album.

Napaurong ang kamay ko. Ang kaninay excited na makahawak nang album na limited edition at nagkakaubusan sa market eh parang napawi na yata. Panu ba naman, galing na naman sa kanya.

"Bakit? Ayaw mo?" Tanong ni Trina na nakangisi pa. Alam 'kong magkakuntsaba 'tong magpinsan na to. Sigurado akong pinaglalaruan ako nang mga mokong na to! Pwes! Humanda sila!

"Hindi na. Di ko na kelangan yan. Tsaka nagsisimula narin naman akong mag'move on. Tanggap ko na, di kami para sa isa't isa." Sabi ko, taas kilay pa. Napahalakhak naman ang gaga at pinandilatan ko lang sya.

"Alam mo girl, laos na yang linya mo. Di ko na mabilang 'kong ilang beses ko na narinig yan sayo. Bukas, makalawa balik ka na naman jan sa addiction mo kaya wiz na drama ateng, nakakawalang gana ang ganyan. Heto oh! Kain kapa, dali!" Sinubuan nya ako nang fries at kinagat ko naman habang nakabusangot na nakatingin sa kanya.

Oo na! Ako na talaga! Ako na ang baliw kay Sehun!

Kinahapunan naalala ko na naman ang album na ibibigay na sana kanina ni Trina. Kung di lang ako nag'inarte sana nasakin na yun ngayon. Hays!

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sya. Baka sakaling magbago ang isip at ibigay ulit sakin yung album na yun. Kelangan ko yun para makumpleto ang collections ko.

"Yes dear! I'm on my way home na! What do you want ba?" Sagot nya pagkaraan nang ilang ring.

"Nakalimutan kong kunin yung album. Jan pa ba sayo?" Tanong ko and kahit di ko sya makita eh halata ang ngisi nyang mapang'asar. The way she chuckle, I know she's into teasing me again.

"Ah! Yun ba? Ano ka ba? Sabi mo ayaw mo? Ibinalik ko nalang kay Ten. Umuwi na yata sya eh? Bakit? Nagbago ba isip mo? Wow! Maaga yata ah? Akala ko ba ipagpapabukas mo pa!" Tawa nya.

"Whatever Trina. Magsama na nga kayo nang pinsan mo!" Sagot ko.

"Punta ka nalang sa house nila. Alam mo naman yun diba?" Sabi nya at para naman akong nabilaukan dun. Ako? Pupunta sa bahay nila Ten? No way! As in Never! No way talaga! But for Sehun...SIGE NA NGA! YES WAY!

Nanginginig pa ang kamay ko habang pinipindot ang doorbell nang napakalaking mansion nila Ten. Nahihiya talaga akong pumunta dito pero alang alang sa album na yun titiisin ko nalang.

"Good morning po, ano po bang maipaglilingkod ko?" Tanong nang isang maid na ngiting ngiti pa nang bumati sakin.

"Ah..si Ten po ba nariyan? Pwede po ba pakisabi may naghahanap sa kanya. Jenna po pangalan ko." alangan na tanong ko at ngumiti lang sya sakin at walang sabing binuksan ang gate at inalalayan ako papasok nang mansion.

Ang totoo nyan first time ko mapunta dito. Close kami ni Trina, pero di kami close nang pinsan nya kaya tuwing magyayaya ang babaeng yun na mamasyal dito di talaga ako nagpapadala.

"Dito nalang po muna kayo mam. Tawagin ko lang si senyorito." Sabi nung katulong at ngumiti lang ako at tumango sa kanya.

"Bakit? Sino ba yan?" Dinig 'kong tanong ni Ten mula sa itaas, tila wala sa mood ang loko sa boses nito.

All About SignsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon