"Ayan, tapos na. Di na ba kumikirot?" Tanong ni Jay nang matapos nang bendahan ang tuhod ko.
"H-Hindi na..Salamat Jay." Nahihiyang sabi ko saka ngumiti sa kanya.
"Wala yun. Ang importante okay ka." Sagot naman nya at ngumiti din.
Nagpalinga-linga ako sa paligid, may hinahanap, at alam nyo na kung sino yun.
"Si Ten? Nakita mo ba? Nakabuntot sa'tin kanina yun diba? Nasa'n na sya?"
"Ahh..parang may pinuntahan yata kasama ang leader nang cheering squad. Nakita ko kasi sila kanina bago ako bumalik dito nung kumuha ako nang gamot." Sagot naman ni Jay at ewan ko, parang di ko yata nagustuhan ang narinig ko. Magkasama sila ni Cheska?
"Ahh..Jenna.." tawag ni Jay.
"Hmm?"
"Y-Yung..k-kamay mo kasi..m-masakit eh.." sagot nya at napansin kung kinuyom ko pala ang kamay ko nang pagkahigpit at nakahawak ito sa braso nya kanina bilang suporta habang ginagamot nya ang sugat ko.
Napahigpit yata masyado kaya medyo namula na ito. Teka? Ba't ko ba ginawa yun? Dahil ba sa narinig ko tungkol ka Ten at Cheska? What the! As in?
"Oh my God! Sorry Jay..sorry." paumanhin ko saka hinimas ang braso nya, baka sakaling mabura pero natural imposible naman at parang nailang tuloy sya kaya binawi ko agad sabay sorry ulit.
"It's okay Jenna. Gusto mo ba maglakad-lakad muna? Hapon na rin kasi. Balita ko maganda daw sunset dito. Gusto mo manood?" Tanong nya at na-excite naman ako dun.
"Sige! Sige! Mukhang masaya yun!" Sabi ko at ngumiti naman sya saka naglahad nang palad which I accepted then lumabas na kami nang clinic.
"Andami palang mga turista dito noh? Saka ang ganda nang beach." Sabi ko habang pinagmaasdan ang paligid. Naglalakad kami sa bandang kalye malapit sa shore.
Tulak-tulak nya ang kanyang bisekleta habang sumasabay sakin sa paglalakad.
"Hmm..marami nga. Di naman summer pero marami parin ang nagbabakasyon." Kumento nya at tumango lang ako.
"Tara! Dun tayo!" Yaya nya sabay turo sa bandang buhanginan malapit sa shore. Humabol naman ako sa kanya at iniwan nya ang bike sa tabi saka niyaya ako lumusong sa tubig.
Lumapit ako sa kanya saka binasa ang paa ko. Malamig ang tubig, kahit tirik pa ang araw. Alas tres palang kasi nang hapon pero di inda nang mga tao ang init, puno parin ang front beach. May ilan pa nga'ng lovers na nadoon, lalo na ang koreans, napakasweet. HHWW at beach side. Ang cute :) Kakainggit!
Hai naku..kelan pa kaya ako magkakaroon nang ganyan? Yung tipong makakasama ko sa lahat, sa saya sa lungkot at kahit sa kabaliwan. Yung mamahalin ako nang tunay, yung ako lang? Hugot pa more!
"Jenna! Tulala ka jan?" Kalabit ni Jay at agad naman ako'ng napatingin sa kanya.
"Ah! Ahmmm..may naalala lang. Ang sweet nilang tignan ano?" Sabi ko sabay turo sa dalawang Korean couple na nag'se-selfie sa unahan namin.
"Oo nga. Alam mo ba yung kasabihan na pag may nagdala sayo sa beach sya daw ang true love mo?" Tanong nya and I give him a look, confused.
"Oo nga." Dagdag nya at napaisip naman ako. Sino kaya ang unang nagdala sakin sa beach? Sila papa lang naman at mga barkada ko.
"Yun lang? Eh ang dali naman yata nun? Kahit sino naman pwede mo makasama sa beach. So, pagdinala ako nang papa ko or nang mga guy friends ko like you we're meant to be na?" Natatawa pang sabi ko but sya seryoso lang which made me feel awkward so I stopped.
"J-Jenna." Nauutal nyang sambit at yumuko pa.
"Hmm?"
"Jay!" Tawag nang boses lalaki sa likuran at napalingon naman kaming dalawa dito. Si Theo, kasama din nila sa basketball team ang tumatawag sa kanya.
"Oh! Theo, bakit?" Tanong ni Jay saka tumayo at pinagpag ang shorts nya.
"Hi Jenna!" Bati ni Theo sakin which I smiled in return. "Pinapatawag ka ni coach. Sandali lang daw." Baling nito kay Jay.
"Ahh..ganun ba. Sige, wait lang." Sagot ni Jay saka humarap sakin.
"Jenna. Okay lang ba sayo maiwan kita saglit? Babalik din ako agad. Will you be okay here?" Tanong nya.
"Oo naman! Go ahead. Maglilibot lang muna ako. Just see me around if tapos na kayo. Go na!" Sabi ko at tumango naman sya saka bumaling kay Theo.
"Tara pare! Bye Jenna!" Yaya ni Theo saka kumaway sakin.
Nang umalis sila ay naupo lang ako sa buhanginan saka pinanood ang mga nag'su-swimming na mga hunk. Choss! Mga americans na nag-sisilawan ang abs sa tapat nang nakakasilaw na araw na nakakasakit sa nasisilawan kung mata. Oh! Ha!
Dumami pa ang mga tao at gayun din ang mga lovers na uber maka'PDA. May habulan, kulitan, halikan at iba pa. Nakakainggit tuloy. Sana ako meron din.
Sumagi sa isipan ko ang sinabi ni Jay tungkol dun sa meant to be daw when someone bring you to the beach. Ewan ko ba, pero parang nahihiwagaan ako sa lalaking yun.
Oo nga dinala nya ako sa beach, pero di ibig sabihin sya ang nauna. I mean, papa once brought me here and so Kuya Ethan, my cousin and ofcourse, papahuli ba ang lolo nyo'ng si Ten? So nasaan ang sense dun?
AHA! *ting*..parang nakaisip tuloy ako nang idea. Parang maganda syang sign. Para may thrill naman, what if ang unang magdala sakin sa beach na guy, yung hahawakan ang kamay ko in public, walking through the shore on sunset. Malay mo meron diba? Kesa naman dalhin lang, ano yun? Walang karoma-romantic naman!
So yun na Lord ha? I'm asking this sign. Not today naman, anytime, pwede bukas, makalawa. Pero okay sana ngayon, perfect timing to eh! Tingin mo?
It's set na! Sign #6: HWW at Beach While Watching Sunset!
---
Sa sobrang kabagutan sa kakahintay kay Jay napagpasyahan 'kong magikot-ikot nalang. Ang lalaking yun talaga! Paasa!
Actually I was hoping na babalik sya at sya ang unang prospect ko with that sign. Eh sya naman ang nag'open up nang ganun. Eh di sya na sana!
Muli ay lumapit ako sa dalampasigan at naupo nalang. Malapit nang lumubog ang araw. Siguro di talaga mangyayari ngayong araw yung sign.
Sayang! Napakaganda pa naman sana nang timing! Kung kelan nasa isang perfect place na dun pa papalya? Hanubayan!
"JENNA!" Tawag nang boses lalaki sa likuran at nilingon ko naman saka ngumiti.
---
Sino kaya yun?
Discover nio nalang!
Next Chap :)
Thanks for reading (*^﹏^*)
©Janie (*^﹏^*)
BINABASA MO ANG
All About Signs
FanfictionSabi nila, malalaman mo kung para sayo ang isang tao kung merong signs ka na nakikita sa kanya. Signs ba kamo? Marami ako nun, kaso di naman ata ipinakita. Kasi naman ateng! Artista ang papa! Pero alam nyo ba? Nagkatotoo lahat yun! Kung kanino? Idi...
