"JENNA!" Tawag nang boses lalaki sa likuran at nilingon ko naman saka ngumiti.
Sabay simangot nang marealize na sya na naman!
"Hey!" Tawag muli nya saka ngumisi.
"You're alone babe? What happened? Did your date ditched you?" Pang-aasar nya and I just roll my eyes in response. Ha! Kala nya ha?
"Kung nagpunta ka dito para asarin ako, mabuti pa umalis kana bago ko pa maisipang lunurin ka sa dagat." Sabi ko pero di natinag ang loko, well, kelan nga ba nagpaapekto to?
He sneered then sit beside me at nag'unat pa. "Hayy...kawawa naman ang Jenna ko. Iniwan nang date. Kanina lang ang sweet nyo ah?" Sabi nya and I just shrug in response.
"Wala ka na dun. At bakit ka nandito? Don't tell me inayawan ka din nang date mo? Kung sabagay, sino nga ba ang makakatiis jan sa ugali mo!"
"Date?!" He huffed. "Ako? May date?" Dagdag pa nya na akala mo naman di makapaniwala sa sinabi ko.
"Bakit? Hindi ba? Wala ba? Eh kung makabuntot ka sa babaeng yun wagas ah?" Sagot ko at humalakhak sya.
"Sinong babae? Si Cheska ba? Panu mo nalaman na magkasama kami?" Manghang tanong nya. Opppss! Do I sound like a stalker ba?
"Wait a minute..." sabi nya saka umiling at ngumisi pa habang mataman ako'ng tinignan, ako naman super iwas sa mga tingin nya. "Did I just hear it right? Are you jealous? Coz you sound one!"
"WHAT?!! I AM NOT!" sigaw ko and he chuckle, yung matinis, yung malandi! Bwisit!
"Weh? Di nga?" Tukso nya.
"Asa ka naman Ten Christoper Lee!" Sigaw ko ulit at tumawa lang sya.
"Ang kapal mo talaga!" Dagdag ko at pinagsasapok sya na sinasalo naman nya.
"Tama na Jenna. Masakit na eh!" Reklamo nya at sumimangot nang huli ay natatamaan ko na ang gwapo nyang mukha.
Oh! Wait! Did I just say gwapo? Scratch that! Ang PANGIT nyang mukha!
"Bwisit ka talaga! Bwisit ka!" Singhal ko at kinuyom nalang ang kamay ko habang pinipigil na di makalmot ang pagmumukha nang bruhong ito.
"Kalma! Parang joke lang eh!" Sabi nya sabay pout. Inirapan ko lang sya saka bumuntong hininga.
Katahimikan...
"Oi! Tara, lakad-lakad muna tayo. Maganda manood nang sunset banda dun!" Bigla nyang yaya sakin saka hinablot ang braso ko at hinila ako patayo. Napatianod naman ako at di na nakapumiglas nang makatayo at hilahin nya patakbo.
"Ten, teka lang!" Sigaw ko at binawi ang kamay ko. "San mo na naman ako dadalhin?!" Tanong ko pero ngumuso lang sya then shot me that bored look.
"Baka mamaya di lang gasgas sa tuhod ang abutin ko! Baka mamatay na ko kakasama sayo!" Sabi ko at nagpout lang sya.
"I want to show you something lang naman. And hindi ka naman ma-a-ano or what, we're just walking through there.." sabay turo dun sa station one na kung susukatin ko eh bibigay ang tuhod ko sa layo nang lalakarin namin makaabot lang dun.
"Ba't dun pa? Eh diba manonood lang naman nang sunset? Di ba pwedeng dito nalang?" I asked.
"Eh..sa gusto ko maglakad-lakad muna. Basta! Tara na kasi! Dami pa'ng arte eh!" Sabi nya sabay hila na naman sa braso ko.
"Bitawan mo nga ako?! Di mo ko kelangan kaladkarin. I can walk y'know?" Sabi ko at binitawan naman nya ako then walk ahead. Tignan mo nga naman, napakagentleman! Di manlang ako hinintay!
BINABASA MO ANG
All About Signs
FanfictionSabi nila, malalaman mo kung para sayo ang isang tao kung merong signs ka na nakikita sa kanya. Signs ba kamo? Marami ako nun, kaso di naman ata ipinakita. Kasi naman ateng! Artista ang papa! Pero alam nyo ba? Nagkatotoo lahat yun! Kung kanino? Idi...
