"Jenna! Jenna!"
Tawa pang sigaw nang classmate ko'ng si Ten. Eh panu ba naman, di ko pinapansin kasi we're not in good terms...SINCE FOREVER!
"Ano ba! Sabi 'kong wag mo akong sundan eh! Ba't ba ang kulit mo!" Sigaw ko at ngumisi lang sya nang pagkalokoloko. Bwisit talaga 'tong isang to!
"Sorry na kasi? Alam mo namang di ko sinasadya eh! Tsaka kasalanan mo rin naman kasi paharang harang ka sa daan."
"Teka nga! Nag'sosorry ka ba o naninisi?!" Untag ko sa kanya at mabilis na naglakad papalapit sa kanya para kutusan sya.
Napaatras naman ang mokong at umambang haharangan ang mukha nyang syang punterya ko habang di maawat sa kakangisi.
"Alam mo, kung bubwisitin mo lang ako mabuti pa umalis ka na! Lubayan mo na ako!" Sigaw ko at sinipa nang pagkalakas ang binti nya.
"Aray! Bwisit!" Mura nya habang sinapo ang tuhod at namilipit sa sakit.
"Tantanan mo na akong bwisit ka!" Bulyaw ko at padabog na tinalikuran sya.
---
"Bwisit! Bwisit! Bwisit!" Pagmumura ko habang binabaktas ang corridor papunta sa susunod na klase ko.
"Oi Jenna! Anong nangyari kanina at mukhang war na naman kayo nang campus crush? Balita ko pinektusan mo daw!" Natatawang sabi nang best friend 'kong si Trina.
Inismiran ko lang sya at ambang lalagpasan nang hilain nya ako at iwinagayway sa mukha ko ang ticket nang concert nang paborito 'kong boy band group na EXO. Ang once in a lifetime na concert nang EXO sa Pilipinas na pinakahihintay ko, sawakas!
Nanlaki ang mata ko dun, as in kulang na lang lumabas ito sa mga sockets sa sobrang gulat. Tila nananaginip yata ako.
"Woah! San mo nakuha to?!" Di makapaniwalang tanong ko habang nanginginig pang inaabot ang dalawang papel sa kamay nya.
"Simple lang! Binigay lang naman sakin nang campus crush. Libre daw nya, kasi daw naaawa sya sayo. Di mo manlang daw maafford ang ticket para makita ang pinakamamahal 'mong si Sehun." Sabi nya at tumawa pa.
Pinagtaasan ko nalang sya nang kilay at humulukipkip. Pati ba naman 'tong babaeng to di papalagpasin ang pambubwisit sakin! Pareho talaga sila nang pinsan nyang si Ten.
Oo, magpinsan sila, at sa kasamaang palad, best friend ko pa talaga ang pinsan nya kaya di malayong di kami magkakabungguan.
"Oh ano? Ayaw mo ba? Kung ayaw mo-"
"Hindi! Akin na yan!" Sabay hablot sa kanya nang tickets. Ngumisi naman sya nang pagkaloko. Yung ngisi na gayang gaya sa pinsan nya.
"Yey! Sige! Sabihin ko nalang sa kanya pumayag ka na." Sabi nya sabay kindat at umalis na. Iniwan akong laglag ang panga.
W-Wait! Sinabi ba nyang sasama sya? Hindi diba? So, si Ten ang kasama ko? Ganun ba?
At yun nga! Tama nga ang hinala ko, kasi ngayon nandito na ako sa venue at naglalakad papasok sa entrance habang sinasalubong nang nakakabwisit na ngiti ni Ten.
"Hey! Para ka namang aattend nang lamay. Smile babe!" Bati nya at inakbayan ako na agad ko namang pinalis.
Bwisit! Kung di lang talaga dahil kay Sehun at sa mamahaling ticket nang concert nya di ako magtitiis na makasama kahit isang segundo ang demonyitong to!
Di ko nalang sya pinansin. Dere-derecho nalang akong pumasok nang stadium.
Lord! This is it na! Please give us some time to interact naman. Kahit mahawakan ko lang ang kamay nya, ayos na!
BINABASA MO ANG
All About Signs
FanfictionSabi nila, malalaman mo kung para sayo ang isang tao kung merong signs ka na nakikita sa kanya. Signs ba kamo? Marami ako nun, kaso di naman ata ipinakita. Kasi naman ateng! Artista ang papa! Pero alam nyo ba? Nagkatotoo lahat yun! Kung kanino? Idi...
