"Hi Jenna!"
"Hello Jenna!"
"Good morning Jenna! Ganda natin ngayon ah!"
"Good morning din! Hello! Salamat!" Sagot ko sa di magkamayaw na mga FANS na sumalubong at bumati sakin.
LOL! Fans talaga? Well, I consider that. Since nanalo ako, marami na pumansin sakin. Hindi naman sa naging Muse ako nang whole school, pero malakas ang kutob at pang-amoy ko na dahil din kay Ten.
Eh panu ba naman! Simula nung nanalo na ako lagi nalang syang nakabuntot sakin. Kesyo sya daw ang captain ball, sya ang escort, sya ang alalay, sya ang guard, sya ang driver, sya na lahat! Kakairita!
Kung akala nyo na'eenjoy ko 'to? Pwes! OO! Di, joke! Slight lang. Minsan kasi nakakainis na. Pati kasi pag-uwi nang bahay hinahatid pa ako, isama mo na rin ang pagsimba na himala at sumasama na sya. Di na tuloy kami nag'uusap ni Jay, palagi kasi syang nakabuntot at parang ewan naman yung isang yun na ayaw lumapit sakin. Tinakot yata nitong si Ten eh!
"Hoy! Ten! Diba may klase ka pa?" Tanong ko sa kanya habang pinagmamasdan ang wristwatch ko.
"Oo! Di mo ba alam? Classmates na tayo?" Sabi nya saka ngumiti.
"What?!" I gasped.
"Yep! Nagtransfer ako nang section. Pinalipat ko lahat nung pareho tayo. Pero since kunti na lang ang subjects natin dahil last year na, lahat na ata natransfer na." Paliwanag nya at literal na nalaglag ang panga ko dun. God! Tell me di ito totoo!
"At bakit mo naman ginawa iyon ha?!" Singhal ko sa kanya.
"Ako ang captain, slash escort, slash driver, slash alalay, slash everything mo..kaya dapat oras oras magkasama tayo. At kung gusto mo, willing pa akong iupgrade ang position ko as your boyfriend, slash asawa, slash kasama sa buhay, slash ka'ano-"
"Slash papatay sayo pag di ka na tumigil! Kakabwisit ka! Arrgghhh!!" Singhal ko sa kanya at tatadyakan na sana sya sa paa nang inamba nyang tabunan iyon at naawa naman ako nang maalala na may injury pala sya.
"Jan ka na nga! Nakakasira ka nang araw!" Singhal ko saka iniwan sya sa labas nang classroom pero tumawa lang ang gago saka sumunod narin pumasok sa loob.
---
"Class, as your reward dahil nanalo ang team, me and Mrs. Santiago planned to have a trip para maka'unwind naman kayo. Well, syempre, that includes our basketball team, the cheering squad at syempre, ang muse. Okay ba yun sa inyo?" Announce ni Mr. Tiu, ang coach nang basketball team. Naghiyawan naman ang mga estudyanteng kasama ko na mga members nang team at cheering squad.
Ayon kay coach, sa boracay daw kami pupunta. On weekends daw kasi may pasok pa kami at malayo pa ang sembreak.
"Exciting to!" Sabi nung katabi 'kong kanina pa naglalaro sa cellphone nya pero ang atensyon eh kay sir din. Ganyan sya pag puro happy-happy ang pinag-uusapan, pero pag lesson sa school, expect him to be snooring on his desk. Haizt! Tamad talaga.
Palibhasa kasi matalino na, di na kelangan makinig pa kasi sa bahay palang puro aral na ang ginagawa nya.
Eh panu ba naman, sya lang ang inaasahan nang pamilya nyang mag'mamana nang business nila. Perks of being an only child.
"Nakapunta na rin naman tayo dun last June ah? Sana sa ibang lugar nalang." Sabat ko at tumikhim naman sya.
"Sus? Ang sabihin mo ayaw mo lang maalala ang katangahang ginawa mo dun." Sabi nya sabay tawa. Pinektusan ko nga, kakabwisit! Pinaalala pa talaga sakin yun!
Ang totoo kasi nyan, nung huli naming punta sa boracay eh yung sinundan namin ang EXO at yun na yata ang pinakamalaking katangahan na ginawa ko sa buong buhay ko.
Yung feeling na nag'abang talaga ako buong gabi sa labas nang hotel na tinutuluyan nila para lang masulyapan sila, pero ni anino nang kahit isa sa kanila di ko nakita.
Ang malala pa dun yung may lumabas na kamukha ni Sehun, na sinundan ko talaga at nag'eskandalo pa ako dahil hinabol ko talaga sya at pinilit na tanggalin ang shades nya para maconfirm lang. Ang ending? Muntikan na ako makulong dahil nagalit yung lalaki, di pala si Sehun, isa lang syang tourist dun.
At heto pa ha? Nung time na akala ko checkout time na nila bumalik ako ulit, pero anyare? Nakauwi na pala sila nung gabi na nageskandalo ako. So anyare sakin? Ayon, parang baliw na umiyak sa tabi nang dagat na halos magtangka na lunurin ang sarili. Kung di lang dumating si Ten baka palutang-lutang na ako sa dagat.
Hayysss! Kakahiya talaga..at nakakabwisit kasi pinaalala talaga nya! Arrggghhhh!!!
"Kung ayaw 'mong lunurin kita dun manahimik ka nalang jan!" Banta ko sa kanya at tumahimik naman sya saka bumaling ulit dun sa cellphone nya.
---
"Hey bestie! Musta? Ready ka na ba sa trip nyo?" Bati nang super ngising si Trina.
"Here! Suot mo yan dun ah?" Inihagis nya sakin ang dala nyang paper bag na sinalo ko naman at kunot noong binuksan where I immediately curse nang marealize kung ano iyon.
"Anak nang-! Ipapasuot mo sakin 'to? Are you out of your mind?" Singhal ko sa kanya. Tumawa lang sya saka tumango.
"Never! Kahit lunurin mo pa ako di mo ko mapapasuot nito!" Sabi ko sabay hagis sa kanya pabalik nung paper bag.
Pasuotin ba ako nang swimsuit? Yung two piece pa talaga ha? Ano ako? Modelo para ibalandra ang tinatago kung perfect figure? Choss! Ni wala nga ako nun?! Ano ipapakita ko?!
"Bahala ka kung ayaw mo? Pero dalhin mo nalang. Malay mo magamit mo! Alam mo namang nagse-sexyhan mga kasama mo dun! Lalo na si Cheska na leader nang squad. Pamatay din katawan nun! Nakalimutan mo bang muse ka at mga cheering squad ang kasama mo? Ha! Magpapatalo ka ba? Ikaw ang muse kaya dapat lamang ka!" Sabi nya with taas kilay pa.
Napaisip naman ako dun. Si Cheska nga pala kasama. Sya kasi ang cheerleader kaya siguradong present na present sya dun at tama nga naman si Trina, pamatay kasexyhan nun.
Ako ang muse, dapat lamang ako? Lamang sa ano? Sa katangahan pag napahiya ako, ganun? Ah! Bahala na nga!
"Akin na yan! Kukunin ko kasi bigay mo ha? Di porket kinuha ko gagamitin ko. Asa ka naman!" Sabi ko at ngumisi naman sya.
"Picture ha? Wag mong kalimutan!" Sabi nya at humalakhak pa. Gaga talaga! Pareho nang pinsan nya! Tsk!
"Hayaan mo, pasuot ko 'to sa pinsan mo saka sya picturan." Sabi ko at tumawa lang sya. Kalog talaga!
---
Alas sais nang umaga nasa labas na ako nang bahay, hinihintay ang driver ko, este si Ten na syang magsusundo sakin papuntang airport.
Palakad-lakad ako sa labas nang bakod namin habang hinihintay sya. Kainis! Sabi nya papunta na daw pero halos ten minutes na akong nandito at nababato na sa lamig wala parin sya.
Maya-maya may bumusina na sasakyan saka pumara sa tapat ko. Sa wakas, sya na!
Dali-dali akong pumasok nang driver's seat para salubungin sya nang malutong 'kong mura.
"Oh! Ba't late ka?" Tanong ko at pinagtaasan pa talaga sya nang kilay.
"May dinaanan lang-"
"Hey Jenna!" Bati nang boses babae sa likuran at nang lingunin ko eh nagulat naman ako nang makita kung sino yun.
"Cheska?!"
"Yep! Ten fetch me sa house kasi. Ako muna inuna nyang sunduin kaya nalate sya." Sabi nya na kung di ako nagkakamali eh may tonong parang nagmamayabang pa.
Ibinaling ko ang tingin ko kay Ten na ngayon eh nakabusangot habang inaayos ang seatbelt nya.
"What?" Tanong nya nang mapansing nakatitig lang ako sa kanya.
"Tara na! Late na tayo!" Sabi ko saka inirapan sya at umayos na nang pagkaupo sa upuan.
Kay aga-aga ito agad ang sasalubong sakin! Kamusta naman kaya ang trip kasama ang bruhang to? Ha! Kala nya ha! Ako yata ang muse, at tama si Trina, hinding hindi ako magpapatalo sa kanya! Never!
---
Thanks for reading (*^﹏^*)
©Janie (*^﹏^*)
BINABASA MO ANG
All About Signs
FanfictionSabi nila, malalaman mo kung para sayo ang isang tao kung merong signs ka na nakikita sa kanya. Signs ba kamo? Marami ako nun, kaso di naman ata ipinakita. Kasi naman ateng! Artista ang papa! Pero alam nyo ba? Nagkatotoo lahat yun! Kung kanino? Idi...
