Tahimik ang byahe mula bahay hanggang school. Wala kaming imikan pero sya panay ang ngisi na akala mo naman takas nang mental.
"Hoy! Ano ba! Tumigil ka nga sa kakangisi! Nakakasira ka nang araw!" Bulyaw ko sa kanya at humarap sya sakin nang matama kami sa stop light.
"Problema mo? Monday na monday nagsusungit ka? My period ka ba?" Walang ano anong tanong nya. Namula ako dun...sa galit, okay?
"Anak nang-! Nananadya ka ba talaga?" Singhal ko at akmang bibigwasan nang umatras sya.
"Joke lang! To naman!" Bawi nya at seryoso nang nagmaneho.
"Girl!" Tawag ni Trina at tumatakbo pang sinalubong ako sa parking lot nang school. Napatigil naman sya nang makita si Ten na umikot mula driver's seat.
"Woah! Couz? Is that you?" Di makapaniwalang tanong ni Trina.
Ngumuso naman si Ten at kumunot ang kilay sa tanong nya. "Why are you looking at me like that?"
"N-No! I-I mean..wow! How come? Like, when?" Di makapaniwalang tanong ni Trina sa pinsan. Di ko sya magets? Kayo? Gets nyo ba?
"What?!" Irita nang sabat ni Ten. Ang weird naman kasi ni Trina, kung ano-ano pinagsasabi.
"Hello? Earth to Ten? When did you ever take Jenna on a ride to school? With Prince!" Tinuro nya ang red sports car ni Ten. "It surprises me, y'know?!" Sabat ni Trina na ngumingisi pa.
Tama sya, first time ni Ten pumasok nang school at isabay ang isang babae sa pinakaingat-ingatan nyang sasakyan. At ako pa talaga.
"Is that it?!" Taas kilay na sagot ni Ten.
"Duh? Couz? First time! And to top it all is Jenna pa. Eh halos di kayo magkasundo nito!" Turo pa sakin ni Trina.
"Hoy! Kung makapag-usap naman kayo parang wala ako dito ah?" Kumento ko at pabalik balik na tinignan sila.
"Whatever Christina. I'm busy, and I'm late. Ang bagal kasi nyang bestfriend mo." Sabi nya at nakabusangot na nilagpasan kami.
"Hoy! FYI Mr. Lee hindi ko sinabing magpapasundo ako sayo. Ikaw 'tong maagang pumunta nang bahay. Ni di nga ako nakapag'breakfast dahil sayo!" Sigaw ko sa kanya.
"Woa~ LQ again? Really?" Kumento naman ni Trina.
"SHUT UP!" Sabay naming sabat ni Ten nang lingunin sya at tumawa naman ang gaga dahil dun which we awkwardly look at each other and parted ways.
"Kainis talaga!" I hissed.
---
"Jenna. May klase ka pa?"
Tanong ni Trina. Kasalukuyan kaming naglalakad sa corridor papuntang cafe. Break time na namin.
"Hmm..mamaya. 11-12. Why?" Tanong ko.
"Di ako makakasabay nang lunch. May pupuntahan kami ni Renz eh! Will you be okay without me?"
"Of course!" Kibit balikat 'kong sagot at ngumisi naman ang bruha sa pagpayag ko. Well, tanggap ko naman na may kahati na ako sa atensyon nang best friend ko.
"Wait for me here. O-Order lang ako." Sabi ko at tumango lang sya.
Dumeretso na ko nang counter at pumili nang makakain. Carbonara at lasagna ang bet ko ngayon kaya pinagsabay ko na. Yung kay Trina naman chocolate cake, and speaking, nandito pala ang lalaking adik sa chocolate cake.
"Ate, tatlong slice neto." Sabi nya sa tindera at napatingin sa gawi ko.
"Oh! Nandito ka pala. Chocolate cake rin ba sayo?" Tanong nya. "Ate, yung isang layer nalang!" Tawag nya ulit dun sa tindera at tumango naman ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/44576229-288-k335453.jpg)
BINABASA MO ANG
All About Signs
FanficSabi nila, malalaman mo kung para sayo ang isang tao kung merong signs ka na nakikita sa kanya. Signs ba kamo? Marami ako nun, kaso di naman ata ipinakita. Kasi naman ateng! Artista ang papa! Pero alam nyo ba? Nagkatotoo lahat yun! Kung kanino? Idi...