Sign: A Bottle of Truth

7 0 0
                                        

Nag-uusok ang ilong ko sa galit nang makabalik kami sa Hotel na tinutuluyan namin. Panu ba naman? Puro pang-aasar ang inabot ko nang makatulog ako sa napaka'awkward na posisyon sa hita ni Ten.

Nagising ako na nakahiga na sa mga hita nya. Sya naman nakaupo habang tinititigan ako at pinaglalaruan ang buhok ko.

"Nag'lalaway ka pala pag natutulog Jenna. Siguro napanaginipan mo ako'ng naka-"

"Isa pa Ten! Papatayin na talaga kita!" Singhal ko sa kanya. Para na kasi syang sirang plaka na paulit-ulit na sinasabi na naglalaway ako, na sya ang napanaginipan ko na naka--- ah! Basta! Kaya daw ganun na ewan! Kakabwisit sya!

"Haha! Oh sya! Maligo ka na saka maghilamos. May laway ka pa oh!" Sabi nya sabay turo sa gilid nang labi ko, at ako naman itong si tanga pinahid ang kuno ay laway pero wala naman kaya humalagapak na naman sya nang tawa at kasabay nun ang paghalagapak naman nang likod nya sa mga palo ko.

"Lumayas ka'ng bruho ka! Kahit kelan talaga bwisit ka!" Singhal ko at tumakbo lang sya papuntang kwarto nya na kasunod lang naman nang akin habang tawa nang tawa.

"ARRGGGHHHH!!" I groaned saka marahas na sinara ang pintuan nang kwarto ko.

---

"Hoy Jenna! Nasaan ka na? Nandito na kami sa beach side. Magsisimula na yung party." Sabi ni Ten sa kabilang linya.

Ngayong gabi ay may bonfire party daw at gaganapin ito sa dalampasigan which I find exciting naman. Makapag night swimming nga!

"Heto na, papunta na!" Sagot ko naman then took my last glance at the mirror. Chineck ko'ng mabuti kung okay na ba itong suot ko.

I wore 'short' shorts at isang see-though crop top na kitang kita ang aking red na red na bikini with my havaianas flipflops. Beach attire daw pero di ko keri ang magbikini. Nakakahiya naman. Di ako ready eh, di nakapagworkout manlang.

Hindi naman sa hindi ako sexy. Sadya lang na di ako sanay ipakita ang aking tinatagong magandang hubog nang katawan. Choss! Maglaway pa ang Ten na yun, baka bumaha nang laway nya sa beach side. That'd be gross!

Matapos kung magspray nang pabango lumabas na ako at hinanap sila sa dalampasigan, sa tapat nang la carmela hotel na tinutuluyan namin.

"Hey Jenna! Kanina ka pa nila hinahanap.  Ano ka ba naman girl. Masyado kang paimportante eh!" Salubong agad sa akin ni Cheska na may halo pang plastic na ngiti. Nakaupo sila isang malaking table kasama ang ibang cheer dancers. I muster my sweetest yet evil smile sabay irap sa kanya.

Wala naman akong atraso sa bruhang 'to ba't ang init yata nang dugo nya sakin ngayon? Well, parang ever since naman eh! And I'm sure that's because of Ten. Malaki talaga ang kutob ko na pinagseselosan or kinaiinggitan ako nang bruhang 'to. Mapagsupladahan nga!

"Nakatulog kasi ako. Masyado na kasi akong tinatamad dito, tsaka di ako mahilig sa mga ganito lalo na pag mga gaya mo ang makakasama ko." Sabi ko naman at magrereact sana ang bruha nang biglang dumating si Ten kasama ang mga kagrupo nya.

"Hey girls! Kamusta?" Bati nang isa sa mga kagrupo ni Ten na kung di ako nagkakamali ay nagngangalang Jhonny. Sobrang taas nya, at syempre, gwapo din!

"Hey Ten! Halika dito!" Masayang tawag ni Cheska kay Ten at ito namang si krung krung parang tuwang tuwa pang umupo sa tabi nang malanding bruhang 'to habang nakangisi na nakatingin sakin. Ha! Ano na naman ba'ng pakulo nang mokong na to?

"Hi Jenna!" Bati nang lalaking di ko napansin na umupo naman sa tabi ko. Si Jay pala.

"Hi Jay!" Masayang bati ko naman kay Jay then give him my sweetest smile then smirked nang matuon ang tingin ko kay Ten na seryosong nakatitig sa amin. Kala mo ikaw lang ang may kalandian ha? Ha!

All About SignsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon