That Broken Hearted Man
PROLOGUE~
Charity POV
"Chari, sumunod ka na lang sa akin dito sa New York. I tell you girl, its lovely here. You'll love all your eyes could see. Bukod sa malaki na ang pera dito, mae-enjoy mo pa ang buhay. Unlike there, boorriinng! Seriously, may mapapala ka ba diyan?" Ani kaibigan kong si Wilma na kausap ko ngayon sa cellphone.
"Oo naman. Kakaiba ang saya sa pakiramdam kapag alam mong nakakatulong ka." Sagot ko sa kanya.
Nandito ako ngayon sa kusina at nag-iinit ng tubig na pang-kape. Tanaw mula sa kahoy na bintana ng bahay ang bundok ng Coron, Palawan. Sa ibabaw niyon ay makikita ang pagbubukang liwayway ng kalangitan.
Napangiti ako habang tinatanaw iyon. Mamaya-maya lang ay apat na oras naming lalakbayin iyon para puntahan ang isang lugar doon na hindi naaabutan ng kahit na anong tulong.
"Oh, please! I'm not heartless okay? Tumutulong rin naman ako pero hindi yung ganyan na buong buhay ko e ibibigay ko na. God, Charity! H'wag mo namang masyadong panindigan 'yang pangalan mo."
Natawa ako sa sinabi niya. "Ito ang—"
"First love mo kaya alam mong diyan ka sasaya. Pakiramdam mo ipinanganak ka para diyan kaya go ka lang ng go." Ani niya sa walang buhay na tinig.
Natawa na naman tuloy ako dahil doon.
"Sige na nga. Bahala ka sa gusto mo. Matutulog na ako dahil may trabaho pa ako mamaya. I-hello mo ako sa mga bundok at puno diyan. Bye!" Halatang nang-aasar niyang pamamaalam.
"Oo na. Bye!"
Binuhat ko ang takureng kumulo na mula sa kumpol ng kahoy na nagsisilbi naming kalan dito.
Ako si Charity Quintana, 28 years old at isang volunteered nurse. Iba-iba na ang lugar na napuntahan ko dito sa Pilipinas dahil sa mga bayang tinutulungan namin. Dalawang taon ko na itong ginagawa kasama ang onse pang volunteered nurse na katulad ko.
Laki talaga akong Maynila. Sa Makati ako nakatira kasama ang pamilya ko. Mayor ang Daddy ko doon samantalang lawyer naman ang Mommy ko. Pangalawa ako sa aming tatlong magkakapatid. Lalaki ang panganay kong kuya na graduate din sa kursong abogasya, samantalang ang bunso ko namang babaeng kapatid ay graduate na rin sa kursong engineering.
Ako? Ito at simpleng volunteered nurse lang na tumutulong nang walang hinihinging kapalit sa mga taong kapos sa tulong ng gobyerno. But don't get me wrong, bukal sa puso ang ginagawa kong pagtulong.
Noong una ay ayaw akong suportahan ng magulang ko sa ganitong desisyon ko sa buhay. Ani nila ay wala daw akong mapapala sa pagbo-volunteer. Pakiramdam ko tuloy noong una ay isa akong malaking disappointment sa pamilya dahil sa matatayog nilang narating sa buhay.
Kung makakapunta ka nga sa bahay namin ay bihira kang makakakita ng litrato ng pamilya namin na kasama ako. Minsan kasi kapag alam kong may photo shoot ang pamilya, sinasadya kong umalis ng bahay para hindi makasama. Pakiramdam ko kasi ay etchapwera/slash/saling ket-ket lang ako doon kaya mas mina-mabuti ko na lang na huwag makisali.
Pero noong una lang naman iyon dahil kalaunan ay unti-unti ring natanggap ng magulang ko na ito talaga ang gusto kong mangyari sa aking buhay. Ang tumulong.
"Chari, okay na ba 'yan?" Tanong sa akin ni Emma na isa sa mga kasamahan ko.
"Yep. Almost." Sagot ko habang hinahalo ang huling tasa ng kape na itinimpla ko.
"Tamang-tama. Maya-maya lang kasi ay gagayak na tayo dahil paniguradong mahaba-habang paglalakbay na naman ito." Ani na naman niya bago tuluyang lumabas ng kusina dala ang isang tray na naglalaman ng mainit na pandesal.
