Chapter 14

4.9K 90 0
                                    

Chapter 14

Need ~

Charity POV

Humalakhak si sir Timothy at muling humarap na nakatingin na ngayon kay miss Sophia. Pula ang kanyang mga mata na may kaunting luha. Kumikirot ang puso ko para sa kanya.

"I took care of you." Natatawa at naiiyak ang pagkakasabi niya noon. "I never touched you because we both agreed right? We wanted our first night after our wedding to be special. But what did you do?" May tumakas na luha sa kanyang mata at pinalis niya iyon. "What did I do wrong? May naging pagkukulang ba ako? You should've told me. I can fix that, we can fix that, Sophia, I know we can." Tumango-tango siya.

Kung kanina ay nadudurog ang puso ko para sa kanya, mas nadurog na ito ngayon dahil sa narinig. Ganoon niya kamahal si miss Sophia at sampal talaga iyon para sa akin.

"Tim, I'm sorry--"

"Don't Tim me! You're not the Sophia I used to know. You're not my Sophia, cause my Sophia is a precious gem. While you? You're the disgusting--"

Bago niya pa matapos iyon ay nakatayo na si sir Taurus buhat ang isang silyang nandoon. Nanlalaki ang mata ko at tumayo rin para tumakbo sa kay sir Timothy para harangan ito sa pagpalo ng silya.

"Watch your fucking mouth!" Sigaw ni sir Taurus.

"Aw!" Napapikit ako sa sakit na naramdaman sa aking likod, itaas ng baywang. Napakapit din ako kay sir Timothy dahil sa sakit.

"Shit!" Sigaw ni sir Timothy at inalalayan akong huwag matumba. "You fucking--" Baling niya kay sir Taurus pero pinigilan ko siya.

"S-Sir..." Daing ko.

Nag-datingan ang ilang guwardya ng ospital pati na ang iilan pang kasamahan kong nurse. Nandoon si headnurse Barracuda pati na ang ka-tsismisan niya kaninang mga co-nurse ko pa. Hindi nakatakas sa akin ang pag-ismid nila nang makita ang lagay namin ni sir Timothy.

"Wha--" Papalit-palit ang tingin sa magkabila kong mata ang mga tingin ni sir Timothy na tila ba naguguluhan sa ginawa ko. Sapo na niya ngayon ang baywang ko. "Does it hurt bad?" Halos pabulong niyang sabi.

"What happened?--" Boses iyon ni Luke na nanggaling sa likod ko. "Charity!" Ani niya sabay lapit sa akin. Kinuha niya ako sa mga kamay ni sir Timothy. Nakita ko kung paano muling nanumbalik ang silab ng galit sa mga mata nito.

"Anong nangyari? Y-You're pale." Nag-aalagang ani Luke.

I'm unable to speak. Sobrang sakit ng palo ni sir Taurus. Sigurado akong walang galos iyon pero sigurado din akong magkakaroon iyon ng malaking pasa sa sobrang sakit nito.

"He started this!" Galit na sabi ni sir Taurus na nakaturo kay sir Timothy.

Galit ang mga matang ipinukol ni Luke ang kanyang tingin sa inaakusahan. "What happened? What did you do?"

"Who are you to ask me that?" Igting ang panga ni sir Timothy.

"I'm the owner of this hospital, mr. La Grande! I can sue you for making such a thing inside my property!" Humigpit ang hawak sa akin ni Luke sa huling sinabi.

"Your property?" Pagak ang tawa ni sir Timothy at mapait na tumingin sa akin tapos ay kay Luke. "Damn sue me all you fucking want!" Matapos iyon ay naglakad na siya palabas ng kwarto.

"Sir!" Tawag ko dito pero hindi ako nilingon.

"Charity.." Ani Luke.

"Doc, hindi po maganda ang pagkakapalo sa baywang niya ni sir Taurus." Ani ng co-nurse kong lalaki na nagtangkang umawat kay sir Timothy.

That Broken-Hearted Man. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon