Chapter 5
Trouble ~
Charity POVDi kalayuan sa tenement namin ni Wilma ako nagpasundo kay Sir Timothy. Nagpumilit kasi siyang susunduin ako at kahit ayoko talaga dahil nahihiya at natatakot ako para sa kanya sa lugar namin dahil sa marami ngang luko-loko dito ay napapayag rin naman niya ako.
Ang sabi ng Mommy ay mag-dress daw ako kaya iyon nga ang ginawa ko. Kulay carnation pink itong long sleeve dress na umabot hanggang ibaba ng tuhod ko. Sabi ng Mommy ay mag-makeup daw ako pero dahil sa ayoko rin ‘nun ay light lang ang ginawa ko sa mukha ko.
Ang buhok ko ay simpleng nakalugay lang. Dahil sa hindi ako sanay sa heels ay doll shoes lang ang itinerno ko dito. Naka-sling bag din ako para sa wallet at cellphone ko.
Ang totoo ay nag-offer pa ang Mommy na magpapadala ng sasakyan para sunduin ako pero dahil sa may usapan nga kami ni Sir Timothy ay hindi na ako pumayag.
Marami siyang in-offer sa akin katulad na lang nang magpapadala daw siya ng makeup artist, mga damit, sapatos at alahas na susuotin ko ngayong gabi kaya naman mas lalong naging weird ito sa akin. Seriously, ano ba talagang mayroon ngayong gabi?
Maya-maya lang ay may humintong puting Hyundai Genesis Coupe sa harap ko. Hindi ko pa alam kung kanino iyon pero tumayo na ako mula sa waiting shed na sinulungan ko.
“Hindi mo sinabi sa akin na madilim at mag-isa kang naghihintay dito.” May pagbabadyang ani Sir Timothy na lumitaw mula sa kabilang bahagi ng sasakyan.
Ngumuso ako at iginala ang aking mga mata. May isang poste naman sa bahaging ito. Although mahina na ang ilaw nito ay sapat na rin para magkaroon ng konting liwanag.
“Safe pa rin naman kasi may mga sasakyang nagdadaan pa.” Pagdadahilan ko pa.
“Tss. You’re wearing a tight and short dress, woman. Hindi ka dapat naghihintay at nag-iisa sa mga ganitong lugar. You’re just too kind to trust everyone around you. Tsk.” Iritado niyang sabi at padarag na binuksan ang passenger’ seat.
Nakayuko akong pumasok doon. Maikli bang matatawag ang hanggang ibaba ng tuhod? Isa pa, hindi naman tight ang damit ko. Tight sa katawan pero hindi naman sa palda. Para itong cocktail.
“Dammit!” Malutong at mahinang pagmumura niya nang mag-umpisang mag-start ng engine.
Tahimik kami sa biyahe. Nakayuko lang ako habang pinaglalaruan ang mga daliri ko sa ibabaw ng aking palda. Napaangat ako ng tingin nang maramdaman ang isang bagay sa tapat ko.
Napatingin ako sa kanya. Magkasalubong ang mga kilay at diretso pa rin ang tingin niya sa kalsada. Ang isang kamay ay nakahawak sa manibela habang ang isa naman ay may hawak na punpon ng iba’t ibang klase ng bulaklak na nakalahad sa akin.
“I-I was about to give you t-the..the first flower earlier. It’s my way of thanking you for taking care of my fiancé. Ang kaso, I got pissed when I saw you with your brother.. whom I thought was your boyfriend. T-Tapos tinalikuran mo pa ako, k-kaya pakiramdam ko nawalan ng saysay yung bulaklak na ‘yun. Itinapon ko na lang. I.. I just bought you another one.” Malamig niyang sabi habang nakatingin pa rin sa daan. Nakita ko rin kung paano bumaba’t taas ang kanyang Adams apple.
Kinuha ko iyon habang naririnig ko ang pagkalabog ng aking dibdib. “T-Thank you.”
Hindi na ulit kami nag-usap matapos iyon. Ayoko! Dahil pakiramdam ko ay lalabas sa bibig ko ang mga paru-parong nagliliparan sa loob ng tiyan ko. Masyado akong hilo sa amoy ng mabangong bulaklak at damdamin na nag-uumapaw sa sistema ko. Dammit!
