Chapter 16

5.3K 97 0
                                    

Chapter 16

Real home ~

Charity POV

"Halika na po, miss Charity?" Ani miss Nerissa nang makitang maayos na ang lagay ni Lolo Rico.

"Mauna na po kayo, miss Nerissa. Dito po muna ako." Sagot ko.

Matagal siyang hindi nagsalita na para bang tinitimbang ang lagay ko. I smiled to assure her. "Sige po."

Pinanuod ko siyang maglakad patungong puting L300 na sinakyan namin kanina papunta dito. Nakuha naman niyang hindi na ako sasabay doon pero hindi ko na rin sinabi ang tungkol sa pag-alis ko mamaya.

Nang tuluyan na silang makaalis ay umupo ako sa magandang bermuda. Hinaplos ko ang makinis at magandang pagkakagawa ng lapida ni Lolo. Inayos ko din ang dalawang maliit na kandilang nasa baso pati na ang mga puting bulaklak na binili ko kanina para sa kanya.

Aalis na naman po ako, Lolo. Iiwan ko na naman po kayo. Sana lang ay hindi po kayo tuluyang magalit sa akin dahil hindi ko naman po kayo tuluyang iiwan. Ilang oras lang naman po ang biyahe sa Tagaytay. Dadalaw-dalawin ko pa rin po kayo dito. And I'm sure you'll be okay here. Ibibilin ko po dito na palaging lilinisan ang lugar niyo.

"Lolo, nagtatampo rin po ba kayo kay poging boyfriend?" Napangisi ako nang banggitin iyon. Umuhip ang hangin na para bang sinasagot ako ni Lolo Rico. Binunot ko ang iilang dumi sa paligid ng lapida niya. "Wag po. He truly cares for you, Lolo. I've seen it. Siguro po, sa ngayon, may problema lang siya kaya hindi niya kayo nadalaw. Sigurado po ako na pupuntahan kayo noon kapag nalaman niya."

Muling umihip ang malakas na hangin kasabay ng pagtulo ng bagong luha mula sa akin. Napakasakit na pakiramdam ko ay sa pamamagitan ng hangin ko na lang pwedeng makausap si Lolo. Mamimiss ko talaga siya.

Ilang minuto pa ako nanatili doon hanggang sa napagpasyahan ko na ring umalis. Dumaan muna ako sa isang fastfood chain para mananghalian. Pagkatapos ay dumiretso na ako sa terminal ng bus patulak ng Tagaytay.

Kakailanganin pang mag-tricycle bago tuluyang makarating sa Given hands with Love foundation. Nasa liblib na lugar na ito halos kaya naman nasabi siguro ng kuya Henry na payapa dito.

Railings ang nagsilbing pader ng foundation kaya naman kita na agad sa labas ang magandang loob nito. Mula sa gate ay kakailanganin mo pang maglakad ng ilang kilometro bago tuluyang makarating sa tatlong building na mayroon ito. Ang nasa gitna ay luma na habang ang dalawa sa magkabilang gilid nito ay halatang bagong tayo pa lang.

Ang gate ay railings din at nagsisilbing haligi nito ay ang posteng bato na nasa magkabilang gilid nito. Sa itaas ay may signage na Given hands with Love foundation.

Wala akong makitang tao sa loob. Marahil natutulog ang mga bata at matatanda dahil hapon na. Tanging huni ng ibon at kalaskas ng mga puno lang ang naririnig ko.

"Ano pong kailangan nila?"

Mula sa guard house marahil sa gilid ay lumabas ang isang lalaki na unipormado ng guard. Ngumiti ako.

"Magandang hapon po. Ako po si Charity--"

"Ah opo, opo. Tuloy po kayo." Aligaga niyang sabi at binuksan ang gate na pang-tao sa gawi niya. "Naibilin na po kayo sa akin ni sister Abigail. Pinadala daw po kayo ngayon ni sir Manolo."

"Thank you po." Ani ko nang tuluyan ng makapasok sa loob. "Nasaan po ang mga tao dito?"

"Akin na po 'yan." Binuhat niya ang bagaheng dala ko. "Nasa loob pa po at nagmemeryenda. Mamaya ay lalabas na po ang mga bata para maglaro. Ganoon din po ang mga matatanda para magpahangin. Tamang-tama po ang dating niyo para sa meryenda." Maligaya niyang sabi habang naglalakad na kami sa gilid. Sa gitna ay batong sahig na sa tingin ko ay pang-sasakyan.

That Broken-Hearted Man. (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon