Chapter 17
Share of happiness ~
Charity POV
Kinabukasan ay agad akong naghanda para sa pagdalaw kay Lolo Rico. Noong mga unang buwan ko sa foundation ay nakakauwi-uwi pa ako dito para sa kanya. Aalis ako ng madaling araw noon sa foundation at agad ding babalik ng hapon.
Nang tumagal ay hindi na ako masyadong nakakadalaw dahil kay Biboy. Nag-umpisa na kasi itong ma-attach sa akin kaya naman sobra na akong nahirapan na umalis-alis.
Nang makarating doon ay may nakita akong bulaklak na halos matuyo na. Mayroon din doong dalawang kandila sa maliit na baso na upos na. Marahil ay mga taga-home for the aged ang huling dumalaw dito.
Nilinis ko iyon bago inilagay din ang mga dala kong katulad lang noon. Umupo ako sa bermudang sahig nito at muling binunot ang papatubong maliliit na halaman. Mabuti na lang talaga at sa isang lilim ng puno nakatabi si Lolo Rico. Hindi siya maiinitan pati na ang mga dadalaw sa kanya.
"Kamusta na po kayo, Lolo?" Hinintay ko ang ihip ng hangin. Pakiramdam ko kasi ay ito ang nagsisilbing boses ni Lolo Rico pero hindi ito umihip. Lumabi ako. "Nagtatampo po kayo sa akin ano?" Doon umihip ang hangin. Napangisi ako. "Hm. Sorry na, Lolo. Alam niyo naman pong medyo busy na po sa foundation di ba? Lalo na po si Biboy. Naku, Lolo! Ang kulit-kulit po niya, sobra! Para pong kayo."
Umihip muli ang hangin. Kilala ni Lolo Rico si Biboy dahil madalas ko itong ikwento sa kanya kapag dumadalaw ako dito. Sana lang talaga ay naririnig niya pa ako.
"May good news nga po pala ako, Lolo." Patuloy kong binubunot ang maliliit na halaman sa paligid ng lapida niya. "Sa tingin ko po ay okay na kami ng daddy. Tama po kayo, magiging okay din po ang lahat at ito na po 'yon."
Malakas ang naging ihip ng hangin nang sabihin ko iyon. Siguro nga ay naririnig ako ng Lolo Rico at sinasagot niya ako sa pamamagitan ng malakas na hangin na masaya siya para sa akin.
Masaya rin po ako, Lolo. Sobrang saya po! Hindi ko po inaasahan na darating pa ang araw na 'to. I mean, I'm still hoping for this day pero hindi ko po inasahan na magiging ganito kaaga ang lahat. Akala ko'y hanggang sa magkaroon na lang ako ng sarili kong pamilya ay patuloy ang magiging samaan namin ng loob ni daddy pero nagkamali po ako.
At sino po ba ang niloko ko? Magkaroon ng sariling pamilya? Bakit ko ba nasabi 'yon? Ni tumanggap nga ng manliligaw ay hindi ko pa rin magawa. Hindi po siguro ako para sa bagay na iyon, Lolo. Siguro po ang magiging sentro ng buhay ko ay ito, itong foundation at ang mga taong pwede ko pang matulungan. Hindi ang para magmahal at mahalin.
Nagbagsakan ang iilang tuyong dahon mula sa punong lilim nitong pwesto namin ng Lolo Rico. Kasabay niyon ay ang pagtunog ng kampana ng simbahan malapit dito.
Napatingin ako doon. Para bang may kasiyahang nangyayari doon. Ipinagkibit balikat ko iyon at napag-pasyahan na dumaan doon mamaya para magpasalamat sa maraming blessing na natatanggap ko ngayon.
Isang oras lang ang itinagal ko doon kay Lolo Rico. Katulad ng naging plano ko ay dumiretso ako sa simbahang malapit doon at hindi nga ako nagkamali. Mayroong kasalang nagaganap doon.
Sa gilid ay nakita ko ang mumunting yapak ng bride papasok sa bibig simbahan. Binilisan ko ang lakad para mapanuod ang kasiyahang magaganap. Ang tagal ko ng hindi nakakita ng ikakasal!
Dahan-dahan ang pagpasok ko sa pintuan sa gilid ng simbahan. Hindi na dapat ito kasali pero pati dito ay may dekorasyon pa. Tanda na engrande ang kasalan. Nakatayo ang mga tao kaya naman hindi ko makita ang itsura ng mga ikakasal. Naglakad pa ako ng kaunti para makita ang mga ito.
Nanuyo ang lalamunan ko nang makita ng tuluyan ang lalaking ikakasal. Malaki ang ngiti niya at walang pagsidlan ang sayang makikita sa kanyang gwapong mukha. Sa tabi niya ay isa ring kilalang lalaki.
